TAWI-TAWI TINATAKAN NG AFP NG SOVEREIGNTY MARKER

NAGLAGAY  ng sovereignty marker ang pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pinakatimog na bahagi ng bansa.

Ayon kay AFP Brigadier General Romeo Racadio, inilagay nila ang marking sa Panggungan Island, Barangay Datu Baguinda Puti, Sitangkai, sa Tawi-Tawi.

Aniya, layon nitong igiit ang soberanya at pagkilala ng ilan pang bansa sa ating teritoryo gayundin sa mga nakatira sa nasabing isla.

Suportado naman ng lokal na pamahalaan ng Tawi-tawi ang ginawang paglalagay ng sovereignty marker ng military.

Nabatid na Ang Panggungan Island ay tahanan ng 252 Sama-Bajau tribe na siyang pinakaliblib na isla sa munisipalidad ng Sitangkai, sa nasabing probinsya.

Samantala, maliban sa paglalagay ng marka, nagsagawa rin ng All-in-One Mission ang military gaya ng pagbibigay ng food packs at relief goods, clean-up drive, pagtatanim ng niyog, counselling sessions para sa mga kababaihan, kabataan at nakatatandang Badjao. DWIZ882