TAWILIS MAHIGPIT NA BINABANTAYAN NG BFAR

TAWILIS

SA ORAS na maging ligtas ang lugar, agad magsasagawa ng pag-aaral ang BFAR sa pinsala sa yamang tubig sa Taal lake.

Base sa tala ng BFAR, nasa 15k tonelada ng iba’t ibang uri ng isda tulad ng tilapia at tawilis ang nanganganib dahil sa mainit na temperatura at presensya ng sulfur sa tubig dahil sa pag-aalboroto ng Bulkang Taal.

Ayon kay Nazario Briguera, Chief Information and Fisherfolk Coordination Unit, sa Filipinas lang may tawilis at ito ay mata-tagpuan lamang sa Taal lake.

Ito ay isang uri ng maliit na isda lahi ng sardinas pero ang kakaiba ay sa fresh water ito nabubuhay.

Pangamba ng ilan na baka mabura sa mundo ang lahi ng tawilis dahil  sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Sa ngayon hindi pa nakikita ang extinction pero ang masasabi ni Briguera posibleng may epekto ito sa pina­ngangambahang pagkaubos ng tawilis.

Ayon naman kay BFAR Calabarzon RD Sammy Malvas, may kakayanan ang mga isda doon na mag-adjust sa pabago-bagong temperatura pero iba na ang usapan kapag volcanic eruption.

Comments are closed.