TAX AMNESTY DEADLINE PINALAWIG HANGGANG HUNYO 2021

IN-EXTEND ng Department of Finance (DOF) ang deadlines para sa pagavail ng Tax Amnesty on Delinquencies (TAD) at Voluntary Assessment and Payment Program (VAPP).

Ipinalabas ng DOF ang Revenue Regulations (RR) Nos. 32-2020 at 33-2020 na nagpapalawig  sa kanya-kanyang  deadline ng TAD at  VAPP hanggang Hunyo 2021.

Ang orihinal na deadline sa pag-avail ng TAD ay sa Disyembre  31, 2020, tulad ng nakasaad sa ilalim ng  RR No. 15-2020.

Ang naturang revenue regulation ay pag-amyenda sa RR Nos. 11-2020, 10-2020, at  7-2020, na inisyu ng Bureau of Internal Revenue (BIR) upang ipatupad ang  Republic Act (RA) No. 11213, o ang Tax Amnesty Law.

Samantala, ang bagong regulasyon ay ipinalabas sa ilalim ng  RA 11494 o ang Bayanihan to Recover As One Act, na nagpapahintulot sa pagpapalawig ng statutory deadlines at timelines upang maibsan ang paghihirap ng mga  taxpayer sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Pinalawig din ng RR No. 33-2020 ang deadline sa pag-avail ng VAPP.

Ipinatupad ng DOF at ng BIR sa ilallm ng RR 21-2020, pinahihintulutan ng VAPP ang mga taxpayer na boluntaryong bayaran ang kanilang  unpaid internal revenue tax.

Sinabi ng DOF na hanggang noong nakaraang buwan, ang BIR ay nakakolekta ng mahigit sa P200 million mula sa  programa sa tatlong buwan pa lamang ng implementasyon nito.

Karamihan sa mga aplikante ay maliliit na business taxpayers na nais na bayaran ang kanilang 2018 tax liabilities.

“We are delighted that the VAPP has been helping our small and medium taxpayers settle their 2018 tax obligations while also generating additional revenue collection for the BIR. The same goes with the TAD program,” sabi ni Undersecretary Antonette Tionko ng DOF Revenue Operations Group (ROG).

“By further extending the two programs, we hope to help more taxpayers settle their tax deficiencies amid the pandemic,” dagdag pa niya.

Comments are closed.