TAX AMNESTY IKAKASA SA Q2 2019

Secretary Antonio Lambino II

INAASAHANG maipatutupad na ng pamahalaan ang planong tax amnesty program sa second quarter sa susunod na taon, ayon sa Department of Finance (DOF).

Sinabi ni Finance Assistant Secretary Antonio ‘Tony’ Lambino II na ang tax amnesty program ay maaaring ipatupad sa Abril o Mayo.

“Realistically siguro, possibly April or May ‘yan kasi it will take 90 days to write the (implementing rules and regulations). Usually ganyan ‘yung time frame niya,” ani Lambino.

Ang pahayag  ay ginawa ni Lambino, ilang araw makaraang aprubahan at ratipikahan ng Senado ang bicameral conference committee report sa bill na naglalayong magkaloob ng amnestiya sa mga hindi nabayarang buwis, tulad ng estate taxes, general taxes, at delinquent accounts noong taxable year 2017 at mga naunang taon.

Sa pamamagitan ng batas na ito, inaasahang makalilikom ang pamahalaan ng tinatayang P41-B na gagamiting pondo para sa mga proyektong pang-imprastraktura at pandagdag budget sa tulong ng gobyerno sa mga apektado ng  Tax Reform for Acceleration and Inclusion oTRAIN law.

“Ang pagkakaintindi ko ay ita-transmit pa po sa Malacañang, pero maaaring on the way na siya and at that point, ire-review po siyempre for final check tapos for signing po siya,” sabi pa ni Lambino.

Comments are closed.