BINIGYAN pa ng pagkakataon ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay ang taxpaying public na makapag-avail ng tax amnesty para mabayaran ang pagkakautang sa buwis nang i-extend nito hanggang June 30, 2021 ang naturang programa.
“This has reference to Republic Act 11213 otherwise known as Tax Amnesty on Delinquencies, all taxpayers with delinquent tax assessments as of April 24, 2019 is eligible to avail of tax amnesty for the applicable rates 40%, 50%, 60% or 100% of the basic assessment tax,” paliwanag ni Commissioner Dulay.
“Kung mayroon kang utang na buwis sa BIR na hindi mo nababayaran, maaari kang mag-avail sa Tax Amnesty on delinquencies na sa ikalawang pagkakataon ay muling pinalugitan,” ayon kay Quezon City BIR Regional Director Albin Galanza.
Sinabi ni Director Galanza na ang talaan ng mga may tax delinquent assessment ay maaaring asikasuhin at malaman ng taxpaying public sa collection division ng QC Regioal Office para makapag-avail ng amnesty.
Maaari rin aniyang magsadya ang taxpayers sa mga revenue district Office ng Cubao, Novaliches, North and South sa Quezon City.
Sa sandaling makapag-avail ng tax amnesty ang sinumang may delinquent account, mabubura na ang lahat ng pagkakautang nito, madali na ring makakakuha ng tax clearance, awtomatikong babawiin ang mga naunang tax notices o warrants na inisyu at agad na maaabsuweldo sa anumang demandang isinampa ng BIR.
Lahat ng may pagkakautang (natural o juridical) na buwis sa BIR mula noong taxable year 2017 pababa ay puwede nang mag-apply ng amnesty hanggang Abril 24, 2020 base sa mga instances na nakasaad sa Revenue Regulations No. 4-2019, ngunit na-extend pa muli hanggang June 30, 2021
Saklaw ng nasabing amnesty ang mga utang na naging final at executory (40%), basic tax para sa mga utang na nasampahan na ng kaso sa korte (50%), basic tax sa mga kasong kriminal na naka-bimbin sa Department of Justice, prosecutor’s office at iba pang korte na may kinalaman sa tax evasion (60%) at 100% naman ng basic tax para sa mga withholding agent na hindi nag-remit sa BIR ng buwis na kinaltas.
Ipinatutupad ng BIR ang tax amnesty, hindi lamang sa Metro Manila, kundi sa buong kapuluan para mabigyan ng pagkakataon ang taxpaying public na mabayaran sa huling pagkakataon ang kanilang delinquent accounts o matagal nang pagkakautang sa buwis.
Malaking tax collections sa tax amnesty ang inaasahan ng BIR na kanilang malilikom bilang additional taxes sa regular na buwis na taon-taong kinokolekta sa mga mamamayan.
Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag-email sa [email protected].
Comments are closed.