TAX COLLECTION GOAL NA-HIT NG BIR

Erick Balane Finance Insider

SA KANYANG report kay Pangulong Rodrigo Duterte, buong galak na ipinagmalaki ni Burea of Internal Revenue (BIR) Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay na sa kabila ng pananalasa ng pandemyang COVID-19 ay nagawa pa rin nilang makuha ang iniatang sa kanilang tax collection goal kasunod ng mga repormang isinagawa sa paglaban sa graft and corrruptons sa ahensiya.

Noong taxable year 2019 (for 2020),  ang BIR, ayon kay Commissioner Billy, ay nakakolekta ng P2.18 trillion, mas mataas ng 11.5% kumpara sa 2018 goal collection na P1.95 trillion, bagama’t mababa ng 4.2% sa P2.27 goal nito.

Bumandera sa may pinakamataas na koleksiyon sina Metro Manila Regional Directors Maridur Rosario (Makati City), Glen Geraldino (South NCR), Albino Galanza (Quezon City), Romulo Aguila, Jr. (East NCR), Jetrho Sabariaga (City of Manila), Gerry Dumayas (Caloocan City), Edgar Tolentino (San Fernando, Pampanga), Florante Aninag (CaBaMiRo), Ricardo Espiritu (LaQueMar) – nasa top lists din sina Directors Josephine Virtusio (Calasiao, Pangasinan), Eduardo Pagulayan, Jr. (Cebu City) at Mahinardo Mailig (Iloilo City).

Ito ay bunsod ng masigasig na tax campaign sa area of responsibilities nina Revenue District Officers Rodel Buenaobra (Novaliches), Arnulfo Galapia (South), Alma Celestial Cayabyab (Cubao), Antonio Ilagan (North), Rufo Ranario (Valenzuela City), Antonio Mangubat, Jr. (East Bulacan), Elmer Carolino (West Bulacan), Saripoden Bantog (Pasig City), Bethsheba Bautista (San Juan City), Cynthia Lobo (Cainta/Taytay) at Manila/San Fernando, Pampanga RDO’s Teresita Lumayag, Shirley Calapatia, Linda Grace Sagun, Lorenzo Delos Santos, Jose Marie Hernandez, Werlita Quimson, Jose Luna, Remedios Advincula, Jr., Esperanza Castro, Feliz Roy, Agakhan Guro, Mary Ann Canare, Emilia Combes, Geraldo Utanes, Mercedez Estalilla, Vivian Tarectecan at Lope Tubera.

Binabaan ang 2020 (para sa 2021 taxable year) na tax collection goal ng BIR dahil sa patuloy na pananalasa ng COVID-19, gaya ng ginawa noong  2019.

“In my Revenue Memorandum No. 16-2020 that the updated 2020 target  assigned to the country’s biggest tax collection agency reflected last month’s decision of the Cabinet -level Development Budget Coordination Committee (DBCC) to cut this year’s total tax and non-tax revenue program to P2.61 trillion, down by 16.7% from actual revenues of P3.14 trillion last year,” paliwanag ni Commissioner Dulay.

Ang  bulto ng koleksiyon o P1.7 trilyon sa 2020 tax collection program ay kokolektahin  mula sa operations – P902.1 bilyon mula sa buwis na net income and profits; P340.8 bilyon mula sa Value Added Tax (VAT); P193.8 bilyon sa Excise Taxes; P128 bilyon sa Percentage Taxes; at P135.3  bilyon naman sa iba pang buwis.

“Historically, the BIR’s collection surge in April, as the Tax Code mandated filing and payment of the previous year’s income tax return or before April, 15. But due to the Covid lockdown, the BIR had move the 2019 ITR deadline three times before finaly settling on June 15, as the government  had also been  prolonging the quarantine,” ani Commissioner Dulay.

Sinabi ni Commissioner Dulay na sa kabila ng pandemya, kumpiyansa siya na makokolekta ng BIR ang iniatang sa kanilang  tax collection goal sa pamamagitan ng pakikipagkoordinasyon  ng taxpaying public.



Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag-email sa [email protected].

Comments are closed.