PATULOY na pinalalakas ng Bureau of internal Revenue (BIR) ang kanilang massive tax campaign sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga programa at batas na naglalayong mapabuti ang koleksiyon ng buwis at patawan ng parusa ang mga tax evader, alinsunod sa itinatadhana ng National Internal Revenue Law (NIRL) at Run Ater Tax Evaders (RATE).
Seryoso si BIR Commissioner Romeo Lumagui, Jr. na habulin ang mga tax evader na patuloy sa pandaraya sa pagbabayad ng buwis at kasuhan sa Department of Judtice upang mabawi ng gobyerno ang mga buwis na nawawala sa kaban ng pamahalaan.
Inatasan niya si Revenue Assistant Commissioner for Large Taxpayers (LTS) Atty. Jethro Sabariaga na siyasatin at kolektahin ang tamang buwis mula sa itinuturing na 1st 1,500 corporate and big-time taxpayers na siyang bulto ng tax collections ng Kawanihan ng Rentas Internas.
May direktiba rin si Commissioner Lumagui kina Metro Manila BIR Regional Directors Ed Tolentino (South NCR), Dante Aninag (Makati), Albin Galanza (East NCR), Gerry Dumayas (Caloocan), Renato Molina (Manila) at Bobby Mailig (Quezon City) na pag-igihin ang pagkolekta ng buwis.
Itinanghal namang ‘topnotcher‘ nationwide sa nakalipas na anim na buwan si Pasay City Revenue District Officer Esther Rhoda Formoso, sumegunda sa kanya si Taguig RDO Deogracias Villar, Jr., at kasunod sina Metro Manila RDO’s Federico Pilarca, Elmer Carolino, Renan Plata, Arnel Cosinas, Agakhan Guro, Dennis Floreza, Alexander Onte, Estrella Manalo, Raymund Ranches, CelestinoViernes, Teresita Lumayag, Frits Buendia, Mary Ann Canare, Romel Morente, Linda Grace Sagun, Alma Celestial Cayabyab, Antonio Mangubat, Renato Mina, Bethsheba Bautista, Lorenzo Delos Santos, Adora Ambo, Caroline Takata, Rebe De Tablan, Trinidad Villamil, Gerardo UtanesJeffersin Tabboga, Rodante Caballero atviba pa.
Mahigpit na mino-monitor ni Lumagui ang koleksiyon sa Value Added Tax (VAT). Ang VAT ay ipinapataw at kinokolekta mula sa pagbebents ng mga ari-arian (real o personal), pag-upa ng mga kalakal o pagbenta ng mga serbisyo.
Gayundin ang income tax mula sa kita, mga tubo mula sa ari-arian, pagsasanay ng propesyon, paggawa ng kalalkal o negosyo, at gross income na nababatay sa mga probisyon ng Tax Code ukol sa pagbubuwis.
Ang BIR ay lumampas sa kanilang collectiin goal noong 2021.
Ang BIR at nakakolekta ng P2.086 trilyon o 0.25% na higit sa kanilang target na P2.081 trilyon na itinakda ng Develooment Budget Coordination Committee (DBCC) pars sa taong iyon.
Ang koleksiyon ng BIR noong 2021 ay 6.93% na mas mataas kaysa sa kanilang aktuwal na koleksiyon na P1.951 trilyon noong 2020 na tumaas ng 84% sa pamamagitan ng digital comouterization channel.
Dahil sa computerization program, ang BIR ay nagtala ng 13% na pagtaas sa kanilang collection target ngayong 2023 taxable year na umaabot sa P2.35 trilyon at ito ay dahil sa pagpapalawak ng digiitalisasyon at pagpapabuti ng tax administration.