TAX COLLECTION SA BIR-BOC MAS PAIIGTINGIN

Erick Balane Finance Insider

IBAYONG sipag at makabagong istratehiya sa pagkolekta ng buwis ang direktiba ni Finance Secretry Benjamin Diokno kina Bureau of Internal Revenue Commissioner Lilia Catris Guillermo at newly-installed Bureau of Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz.

Si Commissioner Ruiz ay itinalaga ni Presidente Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. bilang kahalili ni former BOC Chief Rey Leonardo Guerrero.

Sinabi ni Secretary Diokno na kailangang kumayod nang husto ang dalawang government collection agencies upang makuha ang iniatang na tax collection goal bago matapos ang 2022 dahil maraming paglalaanan ng pondo ang Marcos administration sa papasok na taong 2023.

Kumpiyansa si Diokno na epektibo ang ginawang pagtatalaga ni Pangulong Marcos kina Guillermo at Ruiz para matugunan ang pagkolekta ng buwis.

Pinasimulan naman ni Guillermo ang balasahan sa BIR sa hanay ng mga key revenue official sa layuning higit na mapalakas ang tax collection at mapabuti ang mga paraan para kumbinsihin ang taxpaying public sa pagtupad sa kanilang tax obligations.

Laman ng Travel Asignment Orders, ayon kay BIR Deputy Commmissioner for Operations Romeo Lumagui, Jr., ang pagtatalaga kina Revenue Regional Drectors Nasser Tangos (Eastern Visayas), Aynie Mandajoyan-Dizon (Zamboanga City), Joseph Catapia (Iloilo City), Jethro Sabariaga (South NCR), Albino Galanza (Manila City), Mahinardo Mailig (Quezon City), Rozil Lozares (Project Management Implementation Service), Glen Geraldino (Legaspi City), Antonio Joonathan Jaminola (San Fernando, Pampanga), Douglas Rufino (Calasiao, Pangasinan), Sixto Dy, Jr. (Head Revenue Executive Assistance – Planning and Management Service) at iba pa.

Inaasahang susunod ang balasahan sa hanay ng Revenue District Officers (RDOs) sa buong kapuluan at posibleng lumabas ang bagong order of assignments bago sumapit ang anibersaryo ng BIR sa Agosto 1, 2022.

Sa BOC ay inihahanda pa lamang ni Commissiner Ruiz ang isasagawang major revamp at inaasahang magkakaroon ng malaking pagbabago sa patakaran sa nasabing tanggapan, laluna ang pagpapaigting ng kampanya laban sa smuggling at pagsugpo sa graft and corruptions, alinsunod sa utos nina Panguong Marcos at Secretary Diokno.

Ipagpapatuloy naman ni Commissioner Guillermo sa BIR ang pinasimulan nitong tax transformation na hawig sa tax flat form ng Singapore na siyang dahilan ng pagtaas ng kanilang taunang digitalized tax collection program.

Pagpapasyahan na rin umano ni Guillermo ang posibilidad na bawiin ang ipinatupad na suspension ni dating BIR Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay sa issuance ng LOAs (letters of authorities), effective May 20, 2022.

Maaari lamang bawiin ang nasabing suspension, ayon sa source, sa sandaling malinis o matapos ang mga pending case mula taxable year 2018 pababa o yaong tinatawag na prescribing tax cases bago muling mag-isyu ng LOAs para sa taxable year 2020-2021.

Binigyan ng pagkakataon ni Commissioner Guillermo ang lahat ng tax investigators na linisin ang listahan ng mga pending tax case sa mga region, district at maging sa Large Taxpayers Service bago nito pagpasyahan ang pagbawi sa suspension order na inisyu ni former BIR Chief Dulay.

Ang nasabing kautusan ni Commissioner Dulay ay nilalaman ng Revenue Memorandum Circular No. 77-2022.

Ang Digitalized Program ng BIR ay halos hango sa tax pattern ng Singapore. Ang makabagong tax system ng Singapore ay inabot ng 10 hanggang 15 taon bago naging matagumpay.

Ang tax collection goal ng BIR ngayong fiscal year ay umaabot sa P3.12 trilyon, mas mataas ng 12.4% kumpara sa nakaraang goal na P2.942 trilyon.