TAX CUT SA REAL PROPERTY INAPRUBAHAN NI DUTERTE SA IPPS

TAX CUT

INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapababa at condonation ng real property taxes at penalties na in-assess sa power generation facilities ng  independent power producers (IPPs) sa ilalim ng Build-Operate-Transfer contracts sa state-run corporations.

Nakasaad sa Executive Order No. 88 na nilagdaan noong Martes, subalit inilabas lamang sa media kahapon na saklaw ng reduction at condonation ang lahat ng liabilities para sa real property tax, kabilang ang anumang special levies na naipon sa Special Education Fund para sa calendar year 2018.

“Dues are reduced to an amount equivalent to the tax due if computed based on an assessment level of 15 percent of the fair market value of the property, machinery, and equipment depreciated at the rate of 2 percent per year and less any amount already paid by IPPs,” ayon sa EO.

Sakop din nito ang power purchase agreements, energy conversion agreements o iba pang contractual agreements sa GOCCs.

Nakasaad din sa kautusan na ang lahat ng interest sa real property tax liabilities ay isasailaim sa condonation at ang IPPs na sangkot ay hindi na pagbabayarin.

Ang real property tax payments na naisagawa na ng IPPs na lumagpas sa reduced amount sa ilalim ng pinakabagong kautusan ng Pangulo ay ia-apply sa kanilang property dues sa mga susunod na taon.

Ang mga kinauukulang government entities, kabilang ang mga kaugnay na GOCCs at LGUs, ay inaatasang tumalima sa EO.

“If any provision of this Order is declared invalid or unconstitutional, the other provisions unaffected thereby shall remain valid and subsisting,” nakasaad sa 2-pahinang kautusan, na magkakabisa matapos na malathala sa pahayagan na may general circulation.

Ang bagong EO ay ipi­nalabas bilang suporta sa fiscal consolidation efforts ng pamahalaan at upang maiwasan ang nagbabadyang economic losses sa iba’t ibang sektor.

Comments are closed.