ALAM ba ninyong aabot sa P600 bilyon taon-taon ang nawawala sa pamahalaan dahil sa tax evssion?
Ayon kay Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui, Jr., ang nasabing halaga ay mula sa illegal cigarrette trade, smuggling activities, at hindi tamang pagbabayad ng taunang buwis mula sa hanay ng corporate at individual taxpayers sa bansa.
Ito ang dahilan kung bakit itinalaga ng BIR chief si CPA-Lawyer Jethro Sabariaga bilang bagong assistant commissioner for Large Taxpayers (LTS) para tutukan nang husto ang 1st big-time 1,000 large taxpayers sa buong kapuluan at i-monitor ang business activities ng mga ito upang masiguro ang tamang pagbabayad ng buwis ng mga ito.
Inirekomenda ni Lumagui kay Presidente Ferdinand ‘Bongbing’ Marcos, Jr. bilang head ng LTS si Atty. Jethro dahil sa magandang tax collection performance na ipinamalas nito bilang dating regional director ng Makati City East NCR na sa kanyang maikling panahon ay natamo ang ‘over all topnoching’ sa tax collections.
Ang 60% sa kabuuang tax collection goal ng BIR ay ang LTS ang kumokolekta habang ang 40% ay kinokolekta naman ng mga regional director at revenue district officer sa buong bansa.
Tutugisin ng LTS ang illegal activities ng mga big-time corporate taxpayers, katulong ang puwersa ng regional at district officers, geyundin ang mga individual taxpayer para hindi nila matakasan ang buwis na dapat bayaran, gayundin ang mga hindi nagpaparehistro ng kanilang business companies, ang gumagamit ng fake receiots, sales invoices, smuggking activitirs, illicit trade at iba pang raket.
“The BIR is looking to collect P2.6 trillion this taxable year from P2.34 trillion in 2022,” sabi ni Assistant Commissioner for LTS Jethro Sabariaga.
Kabilang sa hanay ng ‘ranking top collectors’ sina Metro Manila BIR Regional Directors Renato Molina (City of Manila), Gerry Dumayas (Caloocan City), Mahinardo Mailig (Quezon City), Albin Galanza (East NCR), Dante Aninag (Makati City) at Edgar Tolentino (Makaty City South NCR).
vvv
(Para sa komento, mag-email sa [email protected] o tumawag sa 09266481092)