TAX EXEMPTIONS SA BULACAN NEW AIRPORT

Erick Balane Finance Insider

INAPRUBAHAN ng isang komite sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang tax exemptions para sa San Miguel Corporation sa pagtatayo ng ₱735.6 billion Bulacan airport complex nito sa susunod na 10 taon.

Sa botong 25-2, inaprubahan ng House Committee on Ways and Means ang tax provisions sa proposed legislative franchise sa pagtatayo at pag-ooperate ng SMC sa 2,500-hectare “Airport City” sa bayan ng Bulakan.

Ang konstruksiyon ng  itinuturing na ‘world class’  airport sa bansa, ayon kay SMC President and Chief Operation Officer Ramon Ang, ay gugugulan ng US$15 billion.

Covered ng tax exemptions sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagpapataw ng income tax, percentage tax, value added tax, excise tax at documentary stamps tax habang sa Bureau of Customs (BOC) ay libre naman ito sa customs duties and tariff taxes.

Nilinaw ng top management ng BIR at BOC na ang tax exemptions na ipinagkaloob ng Kongreso sa SMC ay para lamang sa constructions, development, establishment at operations ng pasilidad ng tatayuang airport at commercial complex sa Bulacan.

Kasama rin sa ibinigay na tax exemptions ang property taxes on land, building at personal property. Ang tax breaks ay isang insentibo para sa infrastracture project para sa 10-year construction period.

Ayon kay Mr. Ang, ang konstruksiyon ng Bulacan airport ay naantala  bunsod ng  COVID-19 pandemic na nagsimula noong Marso.

oOo

Inatasan  ni BIR Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay si Guiguinto, Bulacan Revenue District Officer Jose Edimar Jaen na aksiyunan ang reklamo ng isang homeowners association ukol sa umano’y paggamit ng hinihinalang fake reciepts/unregistered receipts at sampahan ng kaukulang kaso ang nasa likod nito sa paglabag sa probisyon ng revenue tax code.

Isang tax investigation team ang binuo para siyasatin ang sinasabing paggamit ng huwad na resibo sa mga residente ng Villa Annapolis Subdivision sa San Jose Del Monte City.

Ito, ayon sa source, ay matapos na mapuna na may tatlong set ng resibo ang ginagamit na may tatlo ring magkakaibang authority to print.

Tinataya umanong milyong piso ang involved sa koleksiyon ng naturang mga resibo.

Si RDO Jaen ay kabilang sa hanay ng mga top collector  sa ilalim ng hurisdiksiyon ni Caloocan City BIR Regional Director Grace Javier. Kabilang dito sina Valenzuela RDO Rufo Ranario at Caloocan City RDO Mike Morada.

Nanganganib namang masibak sa puwesto ang isang opisyal ng BIR sa oras na mainguso ang umano’y ill-gottenweath nito na umaabot sa mahigit P800 milyon.

Sa kanyang sulat kina Commissioner Dulay at Presidential Anti-Corruption Commission Commissioner Greco Belgica, sinabi ng isang Eduardo Rosario, Jr., na mayroon siyang direktang kaalaman sa tagong yaman ng nasabing opisyal ng Rentas at nakahanda niyang ituro kung saan ang real properties nito sa sandaling simulan ng PACC ang imbestigasyon laban dito.

Hindi naman tinukoy ni Mr. Rosario, na kilala sa media circle,  sa kanyang liham sa PACC at BIR kung sino ang kanyang inaakusahan, nguni’t sinabing handa siyang humarap sa korte laban sa naturang BIR executive.

Malaki ang naging ambag ni Mr. Rosario laban sa corruptions nang ibunyag nito ang mga tiwaling opisyal sa Department of Labor and Employment, Department of Public Works and Highways, Bureau of Customs, Bureau of Immigration at ngayon naman ay sa BIR.



Para sa komento o opinyon, mag-text lamang po sa  09266481092 o email:[email protected]

Comments are closed.