TAX FILING AND PAYMENT DEADLINE SA ABRIL 15 NA

Erick Balane Finance Insider

UMAPELA sa taxpaying public si Bureau of Internal Revenue Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay na mag-file na ng taunang income tax returns bago sumapit ang itinakdang deadline sa Abril 15, 2021 upang hindi magahol at makaiwas sa penalties.

Pinaalalahanan ni Commissioner Dulay ang publiko na hindi na palulugitan ng BIR ang deadline ngayong fiscal year hindi tulad noong nakaraang taxable year dahil sa COVID-19 pandemic kaya ngayon pa lamang ay nananawagan na siyang tumupad sa mandatong magbayad ng kaukulang buwis.

“Rapid Tax Collection Campaign ang gagamiting estilo ng BIR para makuha nila ang tax goal ngayong fiscal year at mahabol ang koleksiyon mula Enero hanggang Disyembre ngayong taon dahil sa epekto ng COVID-19,” ayon kina Metro Manila BIR Regional Directors Romulo Aguila, Jr. (QC-B), Albin Galanza (QC-A), Jethro Sabariaga (Manila), Gerry Dumayas (Caloocan), Glen Geraldino at Maridur Rosario ng (Makati B and A).

Nagpaalala si Commissioner Dulay na bilang mamamayan ay obligasyon ng bawat isa na tumupad sa pag-file at pagbabayad ng tamang buwis. Nagbabala ang BIR chief na may kaukulang parusa sa sinumang lalabag sa probisyon ng National Internal Revenue Code.

Batay sa medium-term program ng Development Budget Coordination Committee (DBCC), ang koleksiyon sa buwis sa taong ito ay tinataya sa P2.914 trillion at kabuuang P3.287 trillion naman sa 2022.

Ang hanay ng mga opisyal ng BIR ay makailang ulit nang binalasa ni Dulay alinsunod sa kautusan ni Presidente Rodrigo Duterte sa layuning malinis sa katiwalian ang ahensiya.
Ginawa rin ni Commissioner Dulay ang major shake-up sa Rentas sa layuning mapataas ang tax collections ng nasabing tanggapan.

Si Dulay ay pinarangalan kamakailan ng Kongreso dahil sa ipinamalas nitong tax collection performance at nakamit ang tax collection goal sa kabila ng dinaranas na krisis ng bansa.

“Mas mainam na mag-concentrate sa pagkolekta ng buwis ang mga tauhan at opisyal ng BIR sa halip na masangkot sa katiwalian na maaaring magbigay ng malaking kahihiyan sa kanilang pamilya at maging dahilan ng pagsibak sa kanilang puwesto,” pahayag ni Commissioner Dulay.

Ang ‘rigodon’ sa BIR, ayon sa BIR chief, ay magpapatuloy habang may natitira pang tiwali sa nasabing tanggapan.

Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag- email sa [email protected].

2 thoughts on “TAX FILING AND PAYMENT DEADLINE SA ABRIL 15 NA”

  1. 883400 952156We offer the best practical and most applicable solutions. All our Sydney plumbers are experienced and qualified and are able to speedily assess your difficulty and discover the best remedy. 903657

Comments are closed.