SA GITNA ng pag-aalboroto ng Bulkang Taal ay pansamantalang sinuspinde ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang tax filing at payments sa lalawigan ng Batangas.
Ang suspensiyon ay nakapaloob sa Revenue Memorandum Circular (RMC) No. 7-2020 na inisyu ni Revenue Commissioner Caesar R. Dulay noong nakaraang Enero 14.
“In view of the announcement of Batangas Gov. Mark Leviste, declaring the province of Batangas under the state of calamity due to the recent vol-canic eruption of the Taal Volcano affecting numerous cities, towns, and municipalities in its vicinity, this office found it proper to suspend the deadlines for the month of January, on the filing and payment of tax returns in the area until such time that the situation returns to normal,” ayon sa BIR.
Sakop ng BIR circular ang mga taxpayer na nasa ilalim ng hurisdiksiyon ng Revenue District Offices (RDOs) No. 58 sa Batangas City para sa West Batangas, gayundin ang No. 59 sa Lipa City para sa East Batangas.
Hindi papatawan ng anumang multa ang late filing at payment ng January tax returns sa dalawang RDOs. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.