MULING iginiit ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang kanyang panukala na gawing ‘tax-free’ ang overtime pay sa pamahalaan at pribadong sektor.
Ang panukala ay unang inihain ni Recto noong 15th Congress kung saan pinaaamyendahan niya ang tax code.
Inamin ni Recto na malaking kawalan sa kita ng pamahalaan ang kanyang panukala, subalit binigyang-diin niya na kung mas maraming pera sa bulsa ng mga manggagawa ay siguradong mas malaki ang paggastos ng mga ito.
“This, in turn, would trigger demand for more goods and services thereby stimulate activities in the industrial and service sectors and eventually generate more taxes,” paliwanag ng senador.
Sa Senate Bill No. 601, umaasa si Recto na mabebenepisyuhan ang tinatayang 26.7million wage at salary workers mula sa pri-vate at public sectors.
Layon ng panukala na alisin ang overtime pay sa taxable income na aamyendahan sa ilalim ng Section 32 (B) (7) ng National Internal Revenue Code of 1997.
“An employee who renders overtime work puts in additional hours of work and requires greater physical and mental effort. In-stead of being able to rest early and spend more time with the family, the employee is forced to extend the working hours to achieve the organization’s goals. Thus, it is only fitting that the employee is properly compensated for additional work hours rendered,” giiit ni Recto.
Aniya, nakapaloob sa Labor Code na ang nakatakdang bilang ng oras ng trabaho ng isang empleyado o manggagawa para sa anim na araw ay walong oras kada araw.
At kung lumagpas ito sa walong oras, kailangang bayaran ang isang manggagawa ng karagdagang kompensasyon na 25 percent katumbas ng regular wage nito at kapag pumatak sa holiday o rest day ay may karagdagang 30 percent. VICKY CERVALES
Comments are closed.