NAGPAHAYAG si Mayor Marcy Teodoro ng Marikina na ang lahat ng bagong magbukukas ng sapatusan sa lungsod ay pagkakalooban ng tax free sa unang taon at sa susunod na taon ay magbibigay ng 50% discount para mahikayat ang namumuhunan na bumagsak sa panahon ng pandemya at magbukas ng bagong sapatusan.
“Meron naman kasi talagang may interes, halimbawa yun umanong mga dating meron sapatusan, naging mahirap para sa kanila ang negosyo nagsara sila dulot ng pandemya, kung gusto nila magbukas ulit ang classification magku qualify sila doon sa 100 percent tax free na incentive para hindi na sila mahirapan,” diin ng alkalde.
Tinukoy nito, ilan na lamang registered shoe manufacturers ang nakatayo sa lungsod ng Marikina kung saan humigit kumulang 3000 na lang magsasapatos ang nagnenegosyo na dating 7000.
Kaya’t hinihikayat nito ang nga nagsarang negosyo na muling buhayin ang kanilang sapatusan at kinausap na rin ng alkalde ang mga bangkong magpautang para sa low interest dahil maraming nawalan ng trabahong magsasapatos.
Samantala, nagbukas na noong isang linggo ang Shoe Bazaar sa harap ng Marikina City Hall sa tinatawag na freedom Park na may 50 stall ng ibat ibang klaseng sapatos at mga bag na puro gawang Marikina.
Nauna nang inihayag ni Mayor na libre ang rental sa puwesto mula Nobyembre 2022 hanggang Enero 2023 subalit binago lahat ito ni Congresswoman Maan Teodoro kung saan ginawa nitong forever free na dahil sa hiling ng mga nagsasapatos.
Walang upa at hindi lang tuwing pasko kundi magiging dalawang beses sa loob ng isang taon kung saan pasko at bago magbukas ang klase sa sandaling aprubahan ng konseho ang ordinansa na gagawing libre ang rental sa shoe bazaar forever. ELMA MORALES