TAX GOAL NAKAMIT NG BIR, BOC

Erick Balane Finance Insider

NAKUHA ng government main revenue agencies — Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) — ang kanilang July tax goals sa kabila ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.

Himalang nalusutan ng dalawang ahensiya ang inaasahang ‘shortfall’ ngayong 2021 fiscal year dahil sa mga lockdown na nakaapekto sa ekonomiya ng bansa.

Ikinagulat ni Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez III ang natanggap na collection report mula sa mga miyembro ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) kung saan nahigitan ng BIR at BOC ang kanilang month of July collections sanhi ng matagumpay na revenue tax campaign at higher import volumes.

Sa Metro Manila ay nanguna sina East NCR Regional Director Ed Tolentino, Director Albin Galanza (Quezon City), Director Gerry Dumayas (Caloocan City), Director Jethro Sabariaga (City of Manila), Director Maridur Rosario (Makati City), Director Ed Pagulayan at Assistant Director Saripoden Bantog (South NCR).

“This follows aboved-target performance and signal rising economic activities. The major tax gains were seen in both excise and value added taxes, signs the consumer spending is starting to pick up,” ani Secretary Domingues.

Sina Makati City Revenue District Officers Rufo Ranario (East) at Bethsheba Bautista (West) ang topnotchers sa tax collections, sumunod sina Quezon City North Revenue District Officer Arnold Galapia, RDOs Alma Celestial Cayabyab (Cubao), Antonio Ilagan (South), Rodel Buenaobra (Novaliches), Timm Renomeron (Caloocan Cit), Antonio Mangubat (West Bulacan), Elmer Carolino (East Bulacan), Simson Cureg (Valenzuela City), Jefferson Tabboga (Malabon/Navotas), Deogracias Villar (Pasig City), Cynthia Lobo (Mandaluyong City) at Vicente Gamad (Marikina City).

Indikasyon ito na makaaahon ang bansa sa nakapalaking obligasyon sa ating utang panlabas na tinatayang nasa P13 trillion.

Lumobo ang hiniram na pera ng Duterte government ng 7.2 porsiyento kung ibabase sa year-to year computations.

Magugunitang umabot sa record-high na P7.94 trilyon ang government debt noong Agosto 2019, ngunit bahagyang lumiit sa P7.908 trilyon pagdating ng buwan ng Setyembre at Oktubre ng nasabing taon.

Kamakailan ay inihayag ng Department of Budget and Management (DBM) na inaasahan nilang aabot ng hanggang P8.77 trilyon ang utang ng Pilipinas bago matapos ang taong 2020 pero mas tumaas pa habang nagpapatuloy ang agresibong spending stragtegy ni PRRD sa inprastruktura, serbisyong panlipunan, partikular ang malaking gastusin sa paglaban sa pandemyang COVID-19.

Inaasahang mas lalaki pa ang national budget ng pamahalaan para matugunan ang mga bayaring panloob at panlabas, at madagdagan ang pantustos sa mga gastusin ng pamahalaan.

Una nang nagpasiya ang DBCC na bawasan ang taxable year 2020 collection target ng BIR at BOC mula sa P2.26 trilyon patungo sa P1.744 trilyon na lamang sa parte ng Kawanihan ng Rentas at mula naman sa P706.881 bilyon ay ibinaba sa P520 bilyon ang tax goal sa Aduana dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Kauna-unahan ito sa kasaysayan ng BIR at BOC na ibinaba ang tax collection goals dahil sa dinaranas na health crisis.

Ang rebisyon ng tax collections ng dalawang ahensiya ay ginawa base sa economic growth contraction na 2% hanggang 3.4% na nakaapekto sa tax collection program ng Kawanihan at Aduana.

Si DBM Secretary Welden Avisado ang tumatayong chairman ng makapangyarihang DBCC na siyang nagdedesisyon sa pagtaas at pagbawas ng tax collection goal ng BIR at BOC.

Pero ngayong fiscal year 2021 ay hindi binawasan ang tax goal ng BIR at BOC. Sa 2020 taxable year ay nakuha ng BIR ang kanilang target goal dahilan upang parangalan ng dalawang kapulungan ng

Kongreso sina Secretary Dominguez at BIR Chief Caesar ‘Billy’ Dulay. Inaasahang mauulit ang pagkuha ng tax goals ng BIR at BOC ngayong taon sa kabila ng pandemya.

(Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag-email sa [email protected])

79 thoughts on “TAX GOAL NAKAMIT NG BIR, BOC”

  1. 462257 751459 I discovered your weblog web site on google and check some of your early posts. Continue to maintain up the quite excellent operate. I just additional up your RSS feed to my MSN News Reader. Seeking forward to reading a lot more from you later on! 29481

Comments are closed.