TAX INCENTIVES SA LOCAL FILMS

Rep-Lito-Atienza

ITINUTULAK ng Kamara ang pagkakaloob ng tax incentives sa mga local film.

Sa budget hearing ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na may P120.5 million na alokasyon sa susunod na taon, hiniling ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza na suriing mabuti ang mga pelikulang nararapat na mabigyan ng tax incentives.

Ipinaaayos ng mambabatas ang sistema ng tax incentives na ipinagkakaloob sa mga local film para matiyak na dekalidad ang mga magagawang pelikula sa bansa.

Ayon kay Atienza, kung may maayos na tax incentives ay tiyak na tataas din ang production ng quality local films tulad ng mga pelikulang nagpapakita ng pagka­makabayan, kultura at positive values ng mga Filipino.

Inirekomenda niya na rebyuhin din ang script ng mga local film para doon pa lang ay matim­bang na kung nararapat ba na mabigyan ng tax incentives.

Pero nilinaw naman ni Appropriations Vice Chairman Eric Olivares na ang trabaho ng FDCP ay rebyuhin at bigyan ng rating ang isang natapos na pelikula. CONDE BATAC