TAX REGULATION HIMAYIN, ABS-CBN CASE LINAWIN -YAP

ACT-CIS Rep Eric Go Yap

NANAWAGAN si ACT-CIS partylist Rep. Eric Go Yap sa kongreso na imbestigahang mabuti ang ipinapatupad na tax regulation sa bansa, matapos mabunyag sa pagdinig sa Kamara de Representantes ukol sa prangkisa ng ABS-CBN na umano’y masalimuot at maraming ikot para sa umano’y maraming paikot-ikot para makaiwas umano sa pagbabayad ng malaking buwis.

Sa  pahayag ni Cong. Yap, kinuwestiyon nito ang paggamit ng ABS-CBN sa Luxembourg, Hungary at Cayman Islands para umano makatakas sa pagbabayad ng buwis sa Filipinas.

“Luxembourg, Hungary and Cayman Islands are intriguing choices for ABS-CBN to establish distribution companies. Coincidence ba na ang mga bansang ito rin ay kilala na mga tax haven sa buong mundo? I-google mo ang mga pangalan nila, ang kasunod na words na lalabas: tax haven. May mali rito, hindi patas at talagang kawawa ang Filipinas,” ani Yap.

Ipinaliwanag pa ng mambabatas na kaya tinawag ang mga itong “tax haven” ay dahil sa sob­rang baba ng mga tax rate rito. Ino-offer ito ng mga naturang bansa sa mga non-residents nila para maglagay ng kanilang mga asset o negosyo sa kanila.

“Exactly what ABS-CBN has been doing for a long time. They can say whatever they want, they can say that they just want to be competitive in the international market but at the end of the day, naiwasan nila ang pagbabayad ng 30 percent na tax sa ating bansa,” giit ni Yap.

“This is carefully crafted scheme to avoid paying taxes. ‘Yung mga kababayan nating mga ordinaryong manggagawa at mga maliliit na negos­yante ay nagbabayad ng tama pero ang ABS-CBN nakahanap ng paraan para makaiwas magbayad ng tamang taxes. Let’s call a spade a spade, this is tax avoidance. ABS-CBN is tax avoider,” dagdag pa ni Yap.

Kaya naman iginiit nito ang panawagan sa kanyang kapwa mambabatas na mas palalimin pa ang imbestigasyon ukol dito para hindi na ito magaya pa ng ibang malala­king negosyante sa bansa. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.