ISINALIN sa Revenue Regulation (RR) ang nilalaman ng Revenue Memorandum Circular (RMC) na pinalabas ng Bureau of Internal Revvenue bilang pag-amiyenda para maging batas ang extention ng statutory deadlines at timelines sa filing at submission ng anumang dokumento sa pagbabayad ng buwis, alinsunod sa Section 4 (c) ng Republic Act No. 11469 ukol sa “Bayanihan to Heal as One Act.’
Ang paglilinaw ay ginawa ni BIR Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay matapos i-extend ni Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez ang deadline ng tax payment noong Abril 15 para sa Mayo 30, nitong fiscal year 2020.
Sa RR No. 10-2020, inamiyendahan ang Section 2 ng RMC No. 7-2020 na may kaugnayan sa pagkakaloob ng ektensyon sa statutory deadlines at timelines sa pagpa-file at submission ng anumang dokumento para sa pagbabayad ng buwis, ayon sa Section 4 (z) ng Republic Act No. 11469.
Ipinaliwanag nina Quezon City BIR Regional Directors Albin Galanza at Romulo Aguila, Jr. na nangangahulugan ito na maaari nang pumasok sa transaction ng Value Added Tax (VAT) para makapagbayad sa Mayo 15, sa saklaw ng calendar quarter, samantalang sa Mayo, 30 ay itinakda ang bayaran sa quarter ending na ang gamit ay form 1914.
Gagamit naman ng form 1606 ang taxpayers ukol sa ONET payments sa gayunding petsa.
Sinabi naman nina Makati City BIR Regional Director Glen Geraldino at BIR Manila Reginal Director Jethro Sabariaga na hindi sinuspinde ng gobyerno ang pagbabayad ng buwis. Ipinaliwanag nila na inantala lamang ang pagbabayad ng buwis mula sa orihinal na tax deadline na Abril 15 ay na-extend hanggang Mayo, 15 dahil sa pinsalang dulot ng COVID-19.
Kung mayroon mang ipatutupad na tax exemption sa “Bayanihan Act,” ipinaliwanag ng mga ito na ang importasyon lamang ng medical supplies at health equipments para sa mga ospital ang saklaw nito.
Ayon kina Marikina City at Valenzuela City Revenue District Officers Saripoden Bantog at Rufo Renario, ang tax extention ay nilalaman ng Memorandum Circular na may petsang March 18 na pirmado ni Commissioner Dulay sa utos ni Secretary Dominguez na sa halip na Abril, 15 ay pinalawig hanggang Mayo, 15 nitong 2020 para sa collection ng fiscal year 2019.
Ang tax extention ay bunsod ng napagkasunduan sa isang pag-uusap nina Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte, Secretary Dominguez, Senator Bong Go at Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III kaugnay ng kinakaharap na problema ng bansa sa Covid-19.
Isang malaking hamon ito sa BIR lalupa’t ang kanilang target tax collection goal ay umaabot sa P2.617 trillion ngayong 2020 o nag-increase ng 13.13 percent kumpara sa nakaraang taon. Apektado din ang Bureau of Customs (BOC) sa iniatang sa kanilang P746 bilyon o may increase na 12.69 percent.
Ang deadline ng bayaran ng quarterly value added tax para sa 1st quarter ay sa Mayo 25, gayundin sa sales purchase, Mayo 30 naman para sa expanded withholding tax at submission ng alphalist sa payees ng last quarter nitong taong 2020.
May 5, ang deadline sa monthly VAT payment, Mayo 15 sa aanual information tax return o income tax return, gayundin sa mga empleado na qualified sa substituted filling for the year 2019. May 23 at 25 naman ang deadline ng submission ng E-sales, habang Mayo 26 ang deadline ng monthly withholding tax on compensation at May 30 ang deadline sa annual income tax return at ang mga required attachements para sa calendar year 2019.
Payo ni BIR Deputy Commissioner for Operations Arnel Guballa na mas mainam na magtungo sa BIR ang taxpaying public bago pa sumapit ang itinakdang deadline ng bayaran ng buwis upang maiwasan ang siksikan at ma-obserbahan ang social distancing sa panahon ng bayaran ng buwis.
Ayon kay DepCom Guballa, handa ang BIR team para mag-assist sa sninumang taxpayers na hirap sa computations ng kanilang babayarang buwis. Ang mga ito anya, ay makikita at makakahalubilo ng mga taxpayers sa lobby ng opisina ng mga regional office at revenue district offices ng BIR sa buong kapuluan sa huling araw ng bayaran ng buwis.
(Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09293652344 / 09266481092 o email:[email protected])
Comments are closed.