TAX REVENUES TUMAAS SA Q1

DOF-2

UMANGAT ang tax revenues ng bansa ng 0.9 percent sa first quarter ng taon sa likod ng pagtaas ng koleksiyon at ng iba’t ibang hakbang na ipinatupad ng pamahalaan.

Ayon sa Department of Finance (DOF), tumaas ang koleksiyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng 0.2 percent habang ang Bureau of Customs (BOC) ay nakapagtala ng 2.7 percent growth.

Inaprubahan kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga measures para suportahan ang fiscal policies ng pamahalaan.

Nilagdaan ni Duterte ang CREATE bill para mapababa ang  corporate income taxes, gayundin ang  FIST bill, na makatutulong sa mga bangko na ma-offload ang bad loans.

“The fiscal reforms adopted by the Duterte administration boosted the tax effort to its highest first quarter level in history,” ayon sa DOF.

“These reforms made the country one of the few emerging economies to maintain investment-grade rating and avoid a credit rating down-grade which would have pushed up interest rates and delayed nascent economic recovery,” dagdag pa ng ahensiya.

Iniulat din ng DOF ang pagtaas ng motor vehicle taxes at forestry charges ng 10.8 percent.

Tumaas naman ang expenditures ng bansa ng 19.9 percent para patuloy na suportahan ang mga programa sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

5 thoughts on “TAX REVENUES TUMAAS SA Q1”

  1. 84893 824231Youd outstanding guidelines there. I did a search about the field and identified that quite likely the majority will agree along with your web page. 271987

Comments are closed.