TAX SA PLASTICS ISUSULONG NG DENR

TAX PLASTIC

SA PAGSISIKAP na maalis kalaunan ang plastic waste sa bansa, plano ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magpanukala ng  batas na magpapataw ng buwis sa paggamit ng plastics.

“We in the DENR, we will be coming up with a proposal to the legislative to come up with basically an environmental tax, when it comes to using plastics and single-use plastics,” wika ni Environment Undersecretary Benny Antiporda.

Sa ulat ng United Nations, ang Filipinas ay isa sa limang bansa na nagpoprod­yus ng kalahati ng plastic waste ng mundo.

Sa pag-aaral ng UN, ang basura sa Filipinas ay binubuo ng 6,237,653 kg (6875.84 tons) ng plastic kada araw, kung saan 81 percent ay ‘mismanaged’.

Dahil walang batas na nagbabawal sa paggamit ng plastic, sinabi ni Antiporda na ang pagkakaroon ng batas na nagpapataw ng ‘environmental tax’ ay pipigil sa paggamit ng plastics, na makababawas sa mga basura.

Ayon kay Antiporda, ang makokolekta mula sa ‘environmental tax’ ay gagamitin sa pagresolba sa solid waste sa bansa tulad ng pagpondo sa recycling facilities.

Aniya, binabalangkas ng DENR  ang isang merit system na mag-eexempt sa mga kompanya sa pagbabayad ng buwis kapag natugunan nila ang itatakdang criteria.

“If you are using solar panel, proper segregation inside and outside your facility, if you have ‘yung water recycling… ‘Yung mga ganoon na in case ma-fulfill puwede ka ma-exempt sa tax na ‘yon,” dagdag pa niya.

Comments are closed.