QUEZON CITY – ARESTADO ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ng pamumuno ni Director, Chief Supt. Joselito T. Esquivel Jr., ang taxi driver at ang kasamahan nito na siyang nangholdap sa balo ng nasa 78-anyos, na biktima sa Commonwealth Avenue, Brgy. Greater Fairview.
Kinilala ni Esquivel ang taxi driver na si Pepe Buray, 47-anyos, ng Brgy. Payatas, at kasama nito na si Junel Tagbos, 28-anyos, ng Brgy. Commonwealth.
Ayon sa ulat , bandang alas 10:40 ng umaga ng Marso 17, 2019, ang biktima na si Renee Ortiz, ay nagtungo sa isang grocery sa may Commonwealth Avenue, Brgy. Greater Fairview nang lapitan ito ni Tagbos mula sa likuran at nagdeklarang hold-up. Kinuha ang wallet nito na naglalaman ng P3,000 cash, senior citizen ID, ATM card, cellphone na nagkakahalagang P11,000.00 at ang 2 wrist watch.
Matapos ang ginawang krimen, mabilis namang tumakas ang mga suspek patungong Commonwealth Avenue lane.
Agad namang humingi ng tulong ang biktima kung saan napukaw ang atensyon ni PO3 Jonas Trinidad at PO1 Fritz Roe Belaza na kasalukuyang nagpapatrolya sa lugar, agad namang sinundan ng mga pulis ang suspek na hinihintay ng isang taxi na minamaneho ni Buray.
Dahil dito, agad umalis ang dalawang suspek na nagtungo pa sa Doña Carmen Subdivision ng Brgy. Commonwealth at pinara naman ng security guard na si Roger Pocong dahilan upang maaresto ng mga pulis ang suspek. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.