TAXI DRIVER BINARIL NI TIYO HABANG NAGDIDILIG

baril

MAYNILA – SABOG ang bungo ng isang taxi driver nang barilin sa ulo ng mismong tiyuhin habang  nagdidilig ng kanyang halaman Linggo ng umaga sa Pandacan.

Dead on the spot ang biktima na si Eduardo Magalona, 64-anyos, may-asawa, residente ng 1832 Int 22 Dapo St. Pandacan, Manila.

Patay rin ng magbaril sa ulo ang suspek at tiyuhin umano nitong si Arnulfo Gaton, 72, may-asawa, OFW at residente sa nasabi ding lugar

Sa inisyal na imbestigasyon ng Manila Police District (MPD), dakong alas-8 ng uma­ga nang maganap ang pamamaril sa bahay ng biktima sa Pandacan.

Nabatid na kasalukuyan umanong nagdidilig ng halaman ang biktima nang dumating ang suspek at walang sabi-sabing pinutukan ng kanyang kalibre .38 na revolver ang biktima  na nagresulta ng agaran nitong pagkamatay dahil sa tama ng bala sa ulo.

Matapos nitong barilin ang biktima ay agad ding nagbaril sa ulo ang suspek.

Lumalabas sa ulat ng MPD-Homicide  Section na may dati nang alitan ang magtiyo. PAUL ROLDAN

Comments are closed.