TAXI DRIVER INIREKLAMO NG OFW SA OVERCHARGING

TAXI

PASAY – INARESTO ng mga tauhan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang taxi driver matapos ireklamo ng isang overseas Filipino worker (OFW) dahil sa overcharging.

Kinilala ni Airport police inspector Rhoderic Mejia, officer-in-charge of the Intelligence and Investigation Division ng Manila International Airport [MIAA], ang suspek na si Jesus Pingol ng white taxi na may plate number na UVM 524.

Ayon kay Mejia, nagko-conduct sila ng anti-taxi overcharging operations nang makatanggap siya ng tawag nitong nakaraang June 29 mula sa kanil-ang assets tungkol sa isang taxi driver na naningil nang sobra kay Michelle Dasalla, isang OFW na galing Saudi Arabia.

Siningil ng suspek si Dasalla ng halagang SAR500 Riyals katumbas ng P7,000 Philippine Money mula terminal 2 hanggang sa Balintawak sa Quezon City.

Agad na nagsagawa ang mga tauhan ni Mejia ng manhunt operation kung saan naaresto ito sa NAIA habang naghahanap ng panibagong bibiktimahin.

Sa imbestigasyon, inamin ni Pingol na si­ningil niya ang  biktima ng naturang halaga, ngunit agad na ibinalik nito sa mga tauhan ng IID.

Nadiskubre ng mga imbestigador na wala sa tamang pag-iisip si Dasalla nang duma­ting sa NAIA, resulta sa sinapit nitong maltreatment sa kanya ng kanyang malupit na amo sa Saudi Arabia. FROI MORALLOS

Comments are closed.