TAXI DRIVER TUMBA SA PASAHERONG PARAK

pinagbabaril

PARAÑAQUE CITY – PATAY ang isang taxi driver matapos maba­ril ng kanyang pulis na pasahero na kanyang tinangkang holdapin noong Miyerkoles ng madaling araw sa lungsod na ito.

Ang suspek na na­kilalang si Elmer Tubil at nakatira sa Quezon City ay namatay noon din matapos na ito ay mabaril sa katawan ng kanyang pasaherong pulis na si Staff Sergeant Ronaldo Carpio at nakatalaga sa Follow-ip Section ng Parañaque City police.

Base sa imbestigas­yon ng pulisya, si Carpio ay sumakay ng taxi ng suspek na may plakang UVC-167 sa may isang gasolinahan sa Macapagal road at nagpapahatid sa Dr. A. Santos Avenue alas-2:00 ng madaling araw.

Ayon sa pulisya, na sa halip na dumiretso at ihatid sa kanyang condo  si Carpio ay biglang nag-u-turn ang suspek at tinumbok ang madilim na lugar sa C-5 Extension patungong Multinational Village.

Agad na naghinala si Carpio sa plano ng suspek na siya ay balak na holdapin kung kaya agad nitong inihanda ang kanyang bit-bit na .9mm service firearm.

Sa pahayag ni Carpio, pagsapit nila sa madilim na lugar ay biglang bumunot ng kalibre .38 ang taxi driver at nagdeklara ng hold-up.

Ngunit inunahan ng pulis ang suspek na tangkang humoldap sa kanya at  lalabas na sana ng taxi si Tubil upang gumanti subalit muling pinaputukan ito ni Carpio na naging sanhi nang agaran nitong kamatayan.

Kaagad namang ini-report ni Carpio sa kanilang tanggapan ang insidente. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.