BILANG suporta sa Public Utility Vehicle Modernization Program ng administrasyong Duterte, inanunsiyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbubukas ng bagong taxi franchises sa Ilocos Region.
May kabuuang 75 units na bibiyahe sa mga lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan, ang karagdagang taxi franchises sa Ilocos Region ay ikinatuwa ng mga commuter sa rehiyon.
Inilunsad kahapon ng LTFRB Region 1 ang isang roadshow na nagpapakita sa ilang modernized vehicles na kinabibilangan ng bus, van, at taxi units sa national highway, na magseserbisyo sa mga commuter sa rehiyon sa lalong madaling panahon.
Ayon kay Regional Director Nasrudin Talipasan ng LTFRB Region 1, ito ang unang pagkakataon na mag-o-operate ang isang taxi sa rehiyon upang mapagbuti ang public transport system nito.
“Pursuant to the Department of Transportation’s (DOTr) vehicle modernization program, the additional taxi franchise is in support of the flagship program of the Duterte administration which envisions a restructured, modern, well-managed, and environmentally sustainable transport sector where drivers and operators have stable, sufficient and dignified livelihoods while commuters get to their destinations quickly, safely, and comfortably,” ayon sa LTFRB.
Sinabi pa ng ahensiya na ang modernization program ay isang comprehensive system reform na babago sa public land transportation industry.
“It features a regulatory reform and sets new guidelines for the issuance of franchise for road-based public transport services. It devolved the function of route planning to the local government units as they are more versed in the terrain and passenger demand within their respective territorial jurisdiction.”
Sa ilalim ng programa, ang local government units ay inaatasang magsumite ng kanilang sariling Local Public Transport Plan (LPTRP) bilang pre-requisite para sa pagbubukas ng PUV franchises sa kanilang nasasakupan. PNA
Comments are closed.