KASAMA ang coast lovers at environmental warriors, pinangunahan ni Senadora Cynthia Villar ang pamumulot ng debris at mga basurang nagkalat sa kahabaan ng 175-hectares Las Piñas-Parañaque Critical Habitat and Ecotourism Area (LPPCHEA) sa pagdiriwang ng International Coastal Clean-Up Day ngayong taon.
Kasama nito ang may 1,352 volunteers sa paglilinis ng mga basura sa 20 stations na itinayo sa Las Piñas-Parañaque Wetland Park na kabilang sa Ramsar Convention’s Wetlands of International Importance.
Ani Villar, chairperson ng Senate Committee on Environment and Natural Resources, kailangan ang kooperasyon ng publiko sa misyong pangalagaaan ang kapaligiran.
Alinsunod ito sa temang, “Tayo ang Solusyon sa Polusyon” sa pagdiriwang sa taong ito ng International Coastal Clean-up Day.
Nakiisa sa nasabing International Coastal Clean-up Day sina Environment Secretary Roy A. Cimatu, actress Antoinette Taus ng Community Organize for Resource Allocation (CORA), at mga kinatawan mula sa Department of Environment and Natural Resources, Boyscouts of the Philippines, Allegro Micro Systems, iSupport Worldwide, Colegio de San Juan de Letran, Toyota Philippines, Xavier School, Haribon Foundation, LF Logistics Philippines, Philippine Retirement Authority, CAVITEX, TIEZA, Camp Aguinaldo Elementary School, Philippine Navy, Philippine Coast Guard, the local governments of Las Piñas and Parañaque, UST Junior High School, ASPAC International, Inner Wheel Clubs of the Philippines, District 383 Las Piñas East National High School, Maynilad, Filinvest, Landbank at MB Sunset.
Ang mga volunteer ay hinati sa dalawang grupo bilang trash collectors at trash sorters na ikinalat sa buong Las Piñas-Parañaque Wetland Park na sumasakop sa Las Piñas at Parañaque. Nagsagawa rin ng coastal clean-up activities sa SM by the Bay (Mall of Asia), Navotas, Malabon, PUP Manila, at Roxas Boulevard.
Sa ulat ng Ocean Conservancy, ang Filipinas ang pangunahing “participating country” sa 2017 coastal clean-up na may 214,165 Filipino volunteers.
Comments are closed.