WALA pa ang Mommy ko sa mundong ito, sikat na ang Antipolo, na officially ay kilala ngayong City of Antipolo, isang First class component city na siya na ring kapitolyo ngayon ng probinsya ng Rizal, mula nang angkinin ng Metro Manila ang Pasig.
Ayon sa 2020 census, may populasyon itong 887,399 pinakamarami sa Calabarzon region, at seventh most-populous city sa Pilipinas, ayon kay Jun Ynares, ang kapapanalo pa lamang na Mayor sa nasabing lugar.
Naging siyudad lamang ang Antipolo noong 1998 at naging bagong kapitolyo noong March 2009 kapalit ng Pasig.
Noong March 14, 2011, idineklara ang Antipolo na highly-urbanized city na niratipika sa isang plebesito.
Dahil napakaraming naninirahan dito, naratipika lamang ito noong June 19, 2020 na simula rin ng pagiging official capital nito ng Rizal na nag-take effect noong July 7, 2020.
Dinarayo ang Antipolo kahit noon pang unang panahon dahil sa Nuestra Senora de la Paz y Buen Viaje.
Isa itong popular pilgrimage site kaya tinagurian din ang Antipolo na “Pilgrimage Capital of the Philippines”.
Narito kasi ang Marian image ng Our Lady of Peace and Good Voyage na siya ring Virgin of Antipolo, na dinala sa Pilipinas mula sa Mexico noong 1626.
Mula nang ilagay ito sa Antipolo Cathedral, patuloy itong dinarasalan at dinarayo ng mga mananampalataya.
Mas maraming tao dito kung Mahal na Araw at sa buong buwan ng Mayo.
Halos kasabay at kasindami ng mananampalataya sa Minor Basilica of the Black Nazarene (sa simbahan ng Quiapo) ang dami ng mananampalataya sa Birhen ng Antipolo.
Mayroon din silang kaugaliang ang mga sasakyan, lalo na ang bagong biling kotse, ay pabebendisyunan sa Antipolo upang magkaroon ng ligtas na pagbibiyahe saan man ito pumunta.
Nagpapabendisyon din dito ang mga OFWs bago umalis upang maging listas at matagumpay ang kanilang pag-a-abroad.
Dahil mas mataas ang lugar na ito sa Metro Manila, tanaw dito ang metropolis, lalo na kung gabi.
Locally grown dito ang mangga at kasuy at popular sa mga turista ang suman sa ibus. Kilala rin ang Antipolo sa batis na kung tawagin ay Hinulugang Taktak na ginawan pa ng awitin ng sikat na Mabuhay Singers noong 1960s.