RIZAL- NAGPAPATULOY ang pamimigay ng serbisyo ni Mayor Joric Gacula sa kanyang nasasakupan bagaman nasa house quarantine lang siya.
Nagpamahagi rin ito ng relief goods, nag-disinfect sa mga kalsada habang inilapit din ang palengke sa mga residente roon na layuning maobserbahan ang social distancing.
Sa pamamagitan ng mobile palengke sa mga malalayong sitio ay makabibili ng pagkain ang mga residente roon.
Nakikiusap lang si Gacula sa mga Taytayenios na pagtiisan na lang ang nalalabing dalawang linggo na manatili sa bahay kasama ang pamilya at iwasan din ang social media at huwag maniwala sa maling impormasyon upang hindi makasuhan dahil sa fake news. ELMA MORALES