AGUSAN DEL NORTE – WINAKASAN ng isang 52-anyos na ginang ang sakit na kanyang dinaranas nang magpasya itong lumundag sa ikalimang palapag ng ospital sa Surigao City kung saan siya naka-confine.
Basag ang bungo at dead on the spot si Remlanie Yubos, 52, may asawa, at residente ng Purok 10, Brgy. Bangonay, Jabonga.
Sa ulat ng Suriagao City-PNP, naganap ang insidente sa Caraga Regional Hospital sa lungsod ng Surigao.
Una nang nasuri ang ginang na may Pneumonia Rule-Out PTB Relapse.
Nagsabi pa umano ang pasyente sa isang nurse na hindi na niya kaya ang kanyang karamdaman.
Laking gulat ng mga nakasaksi nang magpunta ito sa sliding window at tumalon kung saan bumagsak ito na una ang ulo sa katabing gusali. VERLIN RUIZ
Comments are closed.