UPANG maging epektibo ang pagtuturo ng wikang Ingles at Pilipino, dapat magkaroon ng programang pangkasanayan sa mga guro sa salitang Pilipino at Ingles.
Ito ang sentro ng press conference na itinaguyod ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) para sa Buwan ng Wika 2022 sa gusali ng Philippine Information Agency sa Quezon City nitong Hulyo 29.
Ayon kay KWF Tagapangulong Arthur P. Casanova, panahon na para magkaroon ng kurso sa mga guro para sa wikang Pilipino at Ingles, at walang problema sa paggamit ng mga nasabing wika, ang problema ay ang kakayahan kaya dapat magkaroon ng Teachers education.
“Dapat magkaroon ng magandang Teachers education ganundin ng kurso na ang presentasyon ay pagtuturo ng wikang Pilipino at Ingles, at walang problema sa nasabing mga wika, dahil ang wikang Ingles ay hindi dapat maging sagabal sa kasanayan gamit ang wikang Pilipino, sa ganang akin sabay na uunlad ang paggamit ng wikang Pilipino at Ingles, Pilipino, dahil tayo ay mga Filipino,” ayon kay Casanova.
Aniya, mauunawaan nang labis ng mga mag-aaral kung tama ang kaalaman ng mga guro sa nasabing dalawang wika.
Dagdag pa ni Casanova, walang problema kung Pilipino o Ingles ang gagamiting wika, ang mahalaga ay kung tama ang paggamit nito.
Ang pahayag ay ginawa ni Casanova makaraan may mga rekomendasyon na isalin na rin sa salitang Pilipino ang pag-aaral sa abogasya, inhinyero at medisina para maunawaan ito ng mag-aaral at yumaman ang wikang Pilipino. EUNICE CELARIO