INIHAYAG ni Teachers’ Dignity Coalition (TDC) Chairperson Benjo Basas na nakahanda ang mga guro na makilahok sa panukalang 100% face-to-face classes sa bansa.
Bagamat dapat aniyang tiyakin ng gobyerno na hindi masikip ang mga silid-aralan at hindi mapuno ng trabaho ang mga guro bago ipatupad ang 100% face-to-face classes.
Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sinisikap ng kagawaran ng edukasyon na magsimula ng harapang klase sa ilang paaralan sa Setyembre bago magsagawa ng 100% in-person schooling sa Nobyembre.
Samantala, nanawagan si Basas sa gobyerno na itaas ang entry salary ng mga guro sa salary grade 15 at magbigay ng panibagong P10K na karagdagang sahod, kasabay ng pagsuri sa K-12 program basic education para matukoy ang mga posibleng reporma at pagsasaayos na kailangan upang mas mapagbuti ang sistema.