TEACHERS NA SABIT SA REBELYON KAKASUHAN NG PNP

Chief-DG-Oscar-Albayalde

HINDI mangingimi ang Philippine National Police na kasuhan ang mga gurong kasapi ng Alliance of Con-cerned Teachers (ACT) na mapatutunayang nakikiisa sa mga hakbanging mag-alsa laban sa pamahalaan.

Iyan ang tiniyak ni PNP Chief General Oscar Albayalde matapos na ibasura ng korte ang kasong isinam-pa ng ACT laban sa PNP bunsod ng ginagawa umanong profiling sa hanay ng mga guro.

Muling iginiit ng PNP Chief na walang ginagawang profiling ang kanilang hanay bagkus ito’y bahagi ng intellegence effort bilang bahagi ng kanilang mandato na protektahan ang estado mula sa mga kaaway nito.

Una nang inamin ni Communist Party of the Philippines Founding Chairman Jose Maria Sison na ka-bilang ang ACT sa kanil-ang front organizations bagay na itinatanggi naman ng grupo.

Sa ngayon, sinabi ni Albayalde na nasa pro­seso na sila ng panga­ngalap ng matitibay na ebidensya la-ban sa ACT matapos si-lang maabsuwelto sa reklamo nito laban sa kanila.

Maliban sa paghahain ng kaso kung mapatutunayang sangkot ang mga guro sa rebelyon, sinabi ni Al-bayalde na tatanggalan din nila ng lisensya ang mga ito. JAYMARK DAGALA-DWIZ882

Comments are closed.