TEACHERS PINASALAMATAN NG CBCP

PINASASALAMATAN ng maimpluwensiyang Catholic Bi­shops’ Conference of the Phi­lippines (CBCP) ang mga guro na malaki ang ginampanan sa pag­linang ng kaalaman ng mga kabataan.

Kasabay na rin ito ng pagdiriwang  ng World Teachers’ Day.

Ayon kay CBCP Pre­sident at Davao Archbi­shop Romulo Valles, ki­ni­lala ng Simbahang Katolika ang bawat sakripisyo ng mga guro upang hubugin ang kabataan para sa mas maa­yos at maunlad na pamayanan.

“Today we celebrate National Teachers’ Day. As a people we show our sincere gratitude and appreciation in a very special way today to our teachers for their constant sacrifice and dedication in fulfilling their very crucial role in our society – the educational formation of our young people,” pahayag ni Valles sa church-run Radio Veritas.

Bilang pakikiisa sa mga guro, nag-alay rin sila ng panalangin sa banal na misa sa mga simbahan noong Oktubre 3 para sa patuloy na paggabay at kaligtasan ng bawat guro sa lipunan.

Nagbigay-pugay rin ang arsobispo sa determinasyon ng mga guro sa panahon ng pandemya na gumagawa ng mga hakbang upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga kabataan gamit ang online at blended lear­ning na malaking hamon sa bawat isa.

Iginiit din ni Valles ang kahalagahan ng pana­langin para sa katatagan ng bawat guro lalo’t kabilang ang kanilang sektor sa mga service front­liners na nahaharap sa iba’t ibang uri ng panganib bukod sa lumaganap na coronavirus.

“We know that these days, with the ongoing pandemic, our teachers are fulfilling their role in very difficult circumstances. We need to encourage our teachers.  We pray to the Lord to give them strength, and to give them joy, the joy that comes from selfless serving and giving,” ani Valles.

Sa tala ng Department of Education (DepEd), halos isang milyon ang mga kawani sa sektor ng edukasyon kung saan mahigit sa 800,000 rito ay pawang mga guro.

Patuloy rin ang pag­hahanda ng Pilipinas sa inaasahang pilot tes­ting ng limited face-to-face classes sa piling 120 paaralan sa bansa partikular sa mga lugar na mababa ang kaso ng COVID-19.

Hinimok ng opisyal ng CBCP ang bawat mamamayan na idalangin sa Panginoon ang katatagan ng bawat guro na hindi lamang naglilinang para maging makabayan subalit higit sa lahat ang pagiging maka-Diyos ng mga kabataan.

“We commend them to the Lord; that the Lord may continue to guide and strengthen them, to inspire them to be not only Maka-Tao at Maka-Bayan; not only to be Maka-Kalikasan in the manner they teach, but we pray too, that our teachers will always be Maka-Dios in the way they educate our young people,” aniya pa.

Ang World Teachers’ Day ay ipinagdiriwang tuwing Oktubre 5 para parangalan ang bawat guro na katuwang ng mga magulang sa paghuhubog ng mga kabataan at maging kapaki-pakinabang na mamamayan sa mga susunod na he­nerasyon. ANA ROSARIO  HERNANDEZ

99 thoughts on “TEACHERS PINASALAMATAN NG CBCP”

  1. 265218 421697The truth is and see if the Hcg diet protocol and as a consequence HCG Drops definitely are a in fact quick way to be able to shed pounds; whilst the healthy diet has a strong will most likely moreover sizable focus to undertake positive. hcg diet drops 596789

  2. 765103 222804A person essentially assist to make seriously articles I would state. This is the initial time I frequented your internet site page and thus far? I surprised with the research you produced to make this particular publish incredible. Wonderful job! 245401

  3. 29515 471097Hmm is anyone else experiencing problems with the images on this blog loading? Im trying to uncover out if its a issue on my finish or if it is the weblog. Any responses would be greatly appreciated. 755437

Comments are closed.