MASAYANG ibinalita ni Senador Win Gatchalian ang paniniguro ng Department of Education (DepEd) na magkakaroon ng insurance ang mga guro na magsisilbing board of election inspectors (BEIs) sa darating na halalan sa Mayo 13.
Pinuri ni Gatchalian ang DepEd sa kanilang hakbang na isasailalim sa accident at life insurance ang mga guro na magsisilbi sa 2019 midterm election.
Sa kabila nito, nanawagan din ang senador sa kinauukulan na tiyakin ang kaligtasan ng mga guro na maituturing na bayani sa araw ng halalan dahil nalalagay sa panganib ng kanilang mga buhay.
Iginiit pa ni Gatchalian, malaki ang ambag at sakripisyo ng mga guro tuwing araw ng halalan.
Aniya, nararapat lamang na bigyan ng proteksiyon ang mga guro sa anumang kapahamakan sa panahon ng halalan at maging sa kalamidad o sakuna. VICKY CERVALES
Comments are closed.