TEAM BINUO NG NIA PARA MAGBANTAY SA MGA PROYEKTO

NIA Administrator Ricardo Visaya

LUMIKHA  si National Irrigation Administration (NIA) Administrator Ricardo Visaya ng Inspection and Assessment Team para bantayan ang lahat ng NIA projects.

Kasama sa  tungkulin ng team ay beripikahin ang mga katanungan at reklamo na may kaugnayan sa proyekto, ayudahan ang  NIA officials at mga tauhan nito, at tumugon sa mga  isyu para mapabilis ang mga nakabimbing proyekto.

Tnututukan din ng pamunuan ng NIA ang mga tao o grupong ginagamit ang NIA Central Office sa  extortion purposes.

Nagbabala  ang NIA sa  local government officials na balakid o nagtatangkang sirain o antalain ang kanilang project implementation na maituturing umanong violation  Republic Act No. 3019 or “Anti-Graft and Corrupt Practices Act”.

Samantala, naghain ng kasong graft sa tanggapan ng Ombudsman ang NIA laban sa ilang retired regional officials bunsod ng umano’y mga katiwa-lian sa implementasyon ng mga proyektong pang-irigasyon.

Layunin ng nasabing hakbang ng pamunuan ng NIA na magsagawa ng imbestigasyon ang Ombudsman tungo sa pagsasampa ng pormal na sakdal sa mga sangkot na irrigation officials na makikitaan ng probale cause.

Nabatid na kamakailan ay apat  na NIA officials ang sinibak sa tungkulin, pito naman ang sinuspindi dahil sa pagkakadawit sa iba’t ibang iregular-idad at  criminal liability sa  project implementation.

Habang siyam ang  na-relieve  mula sa kani-kanilang field offices at sumasailalim sa imbestigasyon ng Central Office.

Sinasabing ang pagsugpo sa graft and corruption  ay nangunguna sa “four-point agenda” ni NIA Adminsitrator Ricardo R Visaya.

“The Agency has been taking immediate actions in response to the alleged anomalies/irregularities among its officials and employees nationwide,” ani Visaya.

Nabatid na nagsampa ang NIA  ng kaso sa  National Bureau of Investigation (NBI) laban sa dating Barangay Captain sa  Pangasinan  dahil sa  grave threat and grave coercion sa mga  opisyal at empleyado  habang nagsasagawa ng bidding sa mga  government project sa nasabing lalawigan.             VERLIN RUIZ

Comments are closed.