TEAM DURANT ‘DI NAKAPORMA SA TEAM LEBRON

team lebron

NAIPASOK ni Giannis Antetokounmpo ang lahat ng kanyang 16 na tira sa makasaysayang 35-point performance noong Linggo ng gabi (Lunes sa Manila) na nagdala sa Team LeBron sa 170-150 panalo laban sa Team Durant sa NBA All-Star Game sa Atlanta.

Makaraang unang pagharian ang NBA 3-Point Contest, nagpasabog si Stephen Curry ng anim na 3-pointers sa first half at walo sa kabuuan, para sa kabuuang 28 points para sa Team LeBron, na lamang sa bawat quarter tungo sa 146-125 bentahe na kanilang napangalagaan hanggang sa huli.

Ang dalawang koponan ay nawalan ng tig-isang player nang ianunsiyo na sina Philadelphia 76ers stars Joel Embiid at Ben Simmons ay hindi papayagang maglaro dahil sa COVID tracing. Ang dalawa ay nagpagupit sa isang barbero na nagpositibo sa virus.

Pinalitan ni 20-year-old Zion Williamson si Embiid sa Team Durant starting lineup, upang maging  fourth-youngest starter sa kasaysayan ng NBA.

Ang panalo ay ika-4 na sunod para sa koponan na pinili ni LeBron James sa ilalim ng revised roster dispersal na nagsimula noong s2018. Naglaro si James sa loob lamang ng13 minuto sa first half bago lumabas sa buong second half nang masigurong kontrolado na ng kanyang koponan ang laro.

Naharap sa 146-125 deficit makalipas ang tatlong periods, ang Team Durant ay nakalapit lamang sa 15.

Hindi naglaro si Durant dahll sa hamstring injury.

Nag-ambag sina Damian Lillard ng 11 points, Curry ng 7,  at  Chris Paul ng 4 points at 5 assists.

Dinoble ng16-for-16 game performance ni Antetokounmpo  ang naunang All-Star record ni Philadelphia 76ers’ Hal Greer, na naipasok ang lahat ng kanyang walong tira sa  1968 in-season classic.

Sa kanyang ipinakita ay napili si Antetokounmpo, 3-for-3 sa 3-pointers, bilang Most Valuable Player ng laro.

One thought on “TEAM DURANT ‘DI NAKAPORMA SA TEAM LEBRON”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *