NAGPASOK ang Filipinas ng 1,115 athletes at 753 coaches at officials, na pinakamalaking bilang ng delegasyon sa 30th Southeast Asian Games.
Sumusunod sa 1,868 Filipino contingent ang Indonesia, na may 1,702, kabilang ang malaking bilang ng self-funded athletes at officials.
Ikinagulat ng marami, ang Singapore ang pangatlong may pinakamalaking delegasyon na may 1,591, kasunod ang Thailand na may 1,473, Malaysia na may 1,076, at Myanmar na may 952.
Ang Vietnam, ang susunod na host ng SEA Games sa 2021, ay ranked 7th pagdating sa dami ng delegasyon na may 890 dahil hind ito nagpasok ng mga atleta sa karamihan sa team events, maliban sa football, volleyball at men’s basketball.
Ang Cambodia, ang host ng 2023 SEA Games, ay may 510, sumusunod ang Laos na may 419, Brunei na may 257 at Timor Leste na may 221.
Ayon sa mga opisyal ng Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc), ang pinal na bilang ng entries ay maaari pang bumaba sa delegation registration meeting sa November 19.
May kabuuang 530 gold medals ang nakataya sa 56 sports sa biennial meet.
Target ng Filipinas ang top three finish sa 11 bansa na sasabak sa SEA Games.
Naniniwala si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez, na siya ring Chief of Mission ng Philippine delegation, na makakamit ito ng Team Philippines.
Sinabi ni Ramirez na batay sa assessments at medal projections ng national sports associations (NSAs), ang Team Philippines ay may kakayahang magwagi ng 90- 100 gold medals.
Aniya, inaprubahan ng PSC board ang lahat ng pondo para sa exposures at training ng lahat ng SEA Games-bound athletes para sa puspusang paghahanda para sa biennial games.
“The PSC spent for all the training, especially the foreign exposures of the athletes for the SEA Games,” ani Ramirez. “We hope to find Olympic-grade athletes from them as well as the Tokyo Games are also just around the corner”.
Comments are closed.