TEAM PH NAKIPAGSABAYAN SA TABLE TENNIS TOURNEY SA MALAYSIA

on the spot- pilipino mirror

KANINO ang Game 2, sa Talk ‘N Text o sa San Miguel Beer? Nakauna na ang tropa ni coach Bong Ravena noong Linggo at ipagpapatuloy ang best-of-7 PBA Commissioner’s Cup finals ngayong alas-7 ng gabi sa Araneta Coliseum.

Handa si import Terrence Jones sa pisikal na laro sa Beermen. Wala umano siyang pakialam kung ang diskarte ng kalaban nila ay ang pikunin siya sa laro, at gagawin niya ang lahat para matulungan ang team na manalo. Magpo-focus lang siya at ibibigay ang the best play niya para sa KaTropa. Halos dalawang taon na ring hindi nakapag-uuwi ng kampeonato ang MVP franchise kaya naman gigil at gutom sa korona ang mga ito.

Ni-review naman ni SMB coach Leo Austria ang laro nila  noong Game 1 para malaman nila kung ano ang pagkukulang  ng kanyang tropa. Ngayon, nararamdaman ng team ang pagkawala ni Marcio Lassiter na may knee iniury.



Naiuwi ng Sumisip Basilan – St. Clare (BRT) ang ikatlong panalo laban sa TIP sa PBA D-League Foundation Cup. Ang team ni coach Steven Tiu ang nagbigay ng mantsa sa kampo ni coach  Sebastian ‘Potit’ De Vera. After manalo ng Sumisip Basilan ay tumuloy ang buong team sa isang restaurant at nagpa-dinner. Katuwang ni coach Tiu sa koponan sina asst. coach Jerson Cabiltes at Gonzalo Catalan, Jr. Nakita rin na­ming  tumu-tulong sina  JR Manansala, coach Jinino Manansala ng St. Clare, ex- PBA player  Jimmy Manansala at team manager  Jax Chua, Jr. Congrats.



Matikas ang ratsada ng Team Philippines, sa pagtataguyod ng Table Tennis Association of National Development (TATAND), sa katatapos na 1st Hornbill Cup International Table Tennis Championship sa Sarawak, Malaysia.

Ginapi ng Nationals na kinabibilangan nina Alexis Bolante, Paul Que, Philip Uy at Charlie Lim ang Sinten-Singapore, 3-2; Sarawak-Malaysia, 3-2 at WIB-Malaysia, 3-0, sa elimination round bago yumuko sa Xiom-Indonesia, 0-3.

Umusad ang PH-TATAND Team sa quarterfinals kung saan nakaharap nila ang Sarawak Orange-Malaysia subalit nalasap ang 2-3 kabiguan.

“Kudos to our players. Talagang lumaban nang husto. Breaks of the game lang ang naging desisyon,” pahayag ni Lim, na tumayo ring team manager.

“Special mention also to Alexis (Bolante). Mahusay at matindi ang laro niya. He lost once during the elimination, laban sa Indonesia na ­naging overall champion,” aniya.

Anim na bansa – Thailand, Myanmar, ­Singapore, Indonesia, Philippines at host Malaysia – ang nagbakbakan sa apat na araw na torneo.

Comments are closed.