INAPRUBAHAN ng top sports bodies ng bansa ang 584-athlete at 161-official delegation sa Hanoi 31stSoutheast Asian Games na may 80 atleta sa appeals’ list.
Nabuo ang numero sa pagpupulong nina Philippine Olympic Committee (POC) President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, Chef de Mission Ramon Fernandez at mga opisyal ng Philippine Sports Commission (PSC) nitong Huwebes.
“We understand the situation because of the budgetary constraint in the PSC, so we have to employ belt tightening measures as regards to officials and equipment,” wika ni Tolentino.
Unang itinakda ng POC ang 627-athlete delegation sa SEA Games na magsisimula sa May 12 at magtatapos sa May 25.
Ayon kay Tolentino, 80 atleta mula sa iba’t ibang national sports associations (NSAs) ang nasa appeals’ list para sa delegasyon sa ilalim ng Group B category— nangangahulugan na ang kanilang NSAs ang sasagot sa kanilang mga gastusin sa Games.
Hindi pa matukoy ng PSC ang eksaktong budget para sa paglahok sa Games, bagaman naunang inanunsiyo ni Fernandez na aabot ito sa P200 million.
Ang mga miyembro ng Team Philippines ay aalis sa dalawang batches lulan ng chartered flights sa Vietnam—ang una ay sa May 6 at ang ikalawa ay sa May 10, kaya makaboboto pa ang mga nasa second sa May 9 general elections.
Ang Filipino athletes ay sasabak sa lahat maliban sa xiangqi omChinese chess sa 40 sports sa Hanoi program.
Dumalo rin sina Deputy chiefs of mission Pearl Managuelod at Carl Sambrano sa virtual meeting.