TEAM PHILIPPINES PSA ATHLETE OF THE YEAR

Sea Games

HINDI matatawaran ang ipinamalas na katatagan, lakas at husay ng mga atletang Pinoy sa 30th Southeast Asian Games.

Sa kabila ng mga kontrobersiya at pagdududa na kinaharap sa paghahanda at kampanya ng Team Philippines sa biennial meet, ang mga Pinoy ay nanatiling matatag at nakapokus sa hamon, na nagresulta sa isa sa ‘most inspiring moments’ sa kasaysayan ng Philippine sports.

Ang 1,115-strong Philippine bets ay nakalikom ng kabuuang 149 gold, 117 silver, at 121 bronze medals mula sa 56 sports na nilaro sa 11-day competitions na idinaos sa tatlong major clusters sa Luzon.

Ang numero ay pinakamataas na naitala ng bansa buhat nang magsimula itong lumahok sa biennial meet noong 1977, at sobra-sobra pa upang masungkit ng host ang SEA Games overall championship sa ikalawang pagkakataon pa lamang sa loob ng 42 mahabang taon.

Dahil sa makasaysayang tagumpay na ito noong Disyembre, ang Team Philippines ay gagawaran ng 2019 Athlete of the Year award sa nalalapit na SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night.

Ang traditional gala na magbibigay-parangal sa top sports heroes at heroines ng katatapos na taon ay nakatakda sa March 6 sa Centennial Hall ng  Manila Hotel at itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), MILO, Cignal TV, at Philippine Basketball Association (PBA).

Ito ang ikalawang pagkakataon na kikilalanin ng pinakamatandang media organization sa bansa ang Team Philippines bilang kanilang  Athlete of the Year awardee, ang una ay noong 2005 nang makopo rin ng mga Pinoy ang overall title ng biennial meet na idinaos din sa bansa.

Sina Olympic silver medal winner Hidilyn Diaz at Asian Games golden girls Margielyn Didal  Bianca Pagdanganan, at Lois Kaye Go, pawang recipients ng  Athlete of the Year honor noong 2018, ay ilan lamang sa mga kilalang gold medalists para sa Team Philippines sa SEA Games, kasama sina world champions Carlos Yulo at Nesthy Petecio, at Tokyo Olympic-bound pole vaulter Ernest John Obienna.

“The choice of Team Philippines as 2019 PSA Athlete of the Year has never been as unanimous. And it was felt the least the PSA can do to honor the men and women who brought singular distinction to the country during the 30th SEA Games is to give them one resounding, united vote,” wika ni  PSA president Eriberto ‘Tito’ Talao ng Manila Bulletin.

Ang Athlete of the Year ang pinakamataas na award na ipinagkakaloob ng PSA na unang itinatag noong 1949 at binubuo ng editors at sportswriters mula sa iba’t ibang broadsheets, tabloids, at sports websites.

Comments are closed.