BATANGAS CITY – Sisikapin ng Smart National Team na makabawi mula sa pagkatalo sa PBA Mindanao All Stars sa pagsagupa sa Luzon selection sa Batangas leg ng 2018 PBA All Star Extravaganza sa Batangas City Coliseum dito nga-yong gabi.
Gayunman, ang Team Phl ay inaasahang mahaharap sa mas mabigat na hamon laban sa Luzon team sa ilalim ni coach Leo Aus-tria.
Sa pagkakataong ito ay si coach Yeng Guiao ang gagabay sa Smart All Stars na kabibilangan nina June Mar Fajardo, Carl Bry-an Cruz, Mac Belo, Allein Malicsi, Terrence Romeo, Gabe Norwood, Jio Jalalon at Kiefer Ravena.
Ang Luzon team ay bubuuin naman nina Japeth Aguilar, Calvin Abueva, Jayson Castro, Matthew Wright, LA Tenorio, Paul Lee, Stanley Pringle, Marcio Lassiter, Alex Cabagnot, Arwind Santos, Ian Sangalang at Raymond Almazan.
Masasaksihan din ang kapana-panabik na showdowns sa three-point shootout, slam dunk at obstacle challenge.
Pangungunahan ni dating MVP winner Asi Taulava ang big men na masusubukan ang lakas sa Obstacle Challenge.
Lalahok din sina Sonny Thoss, Raymond Aguilar, JP Erram, Kelly Nabong, Russell Escoto, Ken Bono, Justin Chua, Aldrech Ramos, Beau Belga, Gabby Espinas at Yousef Taha sa isa sa highlight events sa PBA mid-season festivities na ito.
Samantala, pangungunahan naman nina title holder Maliksi at dating champs Romeo at James Yap ang mga magbabakbakan sa Three-Point Shootout.
Makakalaban nila sina Lassiter, Lee, Wright, Tenorio, Pringle, Alaska’s Jvee Casio, Columbian Dyip’s Ronald Tubid, Meralco’s KG Canaleta, at NLEX’s Larry Fonacier.
Comments are closed.