TEAM USA GINIBA ANG TEAM WORLD

CHICAGO – Nag-init ang Team USA sa second half at ibinaon ang  Team World, 151-131, sa Rising Stars game kahapon sa pagsisimula ng All-Star Weekend festivities sa United Center.

Nanguna si Golden State Warriors’ Eric Paschall para sa Team USA na may 23 points, at nagbuhos si  New York Knicks’ RJ Barrett ng game-high 27 points para sa Team World.

Sa pag-alagwa ng Team USA sa fourth, binigyan ng mga player ng pagkakataon si  Team USA forward Zion Williamson na magtangka sa serye ng spectacular dunks. Tumapos ang New Orleans Pelicans rookie star  na may  7 of 11 para sa 14 points.

Itinanghal si Team USA’s Miles Bridges ng Charlotte Hornets, kumamada ng 20 points, 5  rebounds at 5 assists, bilang  MVP ng laro.

“Coaches were getting on the team saying, ‘Are you going to play for real?’” wika ni Bridges patungkol sa kanyang 13-point surge sa  third quarter.

Binigyan ng bench  players ang  Team USA ng kalamangan sa  third, nang ma-outscore ang Team World, 44-24.

Kumonekta si Bridges sa 3-pointers sa back-to-back possessions upang tapyasin ang 12-point lead sa kalahati lamang sa loob ng 5-minute mark sa third quarter. Pagkalipas ng tatlong minuto, naisalpak ni Charlotte’s Devonte’ Graham ang pares ng tres sa consecutive possessions, at naitala ng Team USA ang unang kalaman-gan nito,  104-103, matapos ang opening minutes ng laro.

Naipasok ni Dallas Mavericks’ Luka Doncic ang tira mula sa half-court, may dalawang segundo ang nalalabi sa  second quarter, na naghatid sa  Team World sa 81-71 bentahe sa halftime.

Naitarak ng Team World ang  37-24 bentahe, may dalawang minuto ang nalalabi sa first quarter, kabilang ang isang  foul at 24 combined 3-point attempts.

Comments are closed.