TEAMS’ PRACTICE VENUES SISILIPIN NG GAB

inspection

MAGSASAGAWA ang Games and Amusements Board (GAB) ng inspeksiyon sa  practice facilities ng mga koponan upang matiyak na sumusunod ang mga ito sa mga itinakdang pa­nuntunan sa joint administrative order (JAO).

Layon ng JAO na nilagdaan ng GAB, ng Department of Health (DOH) at ng Philippine Sports Commission (PSC) na mabigyan ng gabay ang stakeholders sa pagsasagawa ng  phy­sical activities at sports sa panahon ng CO­VID-19 pandemic.

Ayon kay Mitra, iinspeksiyunin nila ang practice venues ng professional football teams at basketball teams sa unang training session ng mga ito matapos na payagan ng pamahalaan na bumalik sa ensayo.

“We’ll be there during their first practice so we can inspect the area,” sabi ni Mitra sa session  ng “GAB Kumustahan”.

Sisilipin ng GAB kung may foot baths, hand sanitizing areas, at ventilation sa practice venues.

Makikipag-ugnayan din ang GAB sa health at safety officer na nakatalaga sa koponan.

“They must follow the basic minimum health standard requirements by the DOH,” wika ni Dr. Redentor Viernes ng medical division ng GAB.

We will be letting the team representative acknowledge what we found, and discuss what needs to be improved,” dagdag pa niya. “Ganyan ang procedure for the inspection.”

Magsasagawa, ani­ya, ang GAB at DOH ng random visits sa practice venues upang tiyakin kung sinusunod ang guidelines at protocols.

Comments are closed.