MAY kasabihang, “Some succeed because they are destined to, but most succeed because they are determined to.”
Ganito ang pagbabahagi ni Dia Grace S. Sarcauga, kung paano siya natulungan ng scholarship program ng Technical Education and Development Authority (TESDA) Region Xl, para maging positibo at matagumpay sa kanyang mga ambisyon lalo na ang makapagtapos ng pag-aaral sa kabila ng mga negatibong karanasan niya sa buhay. Kasalukuyan, empleyado na siya ng TESDA Xl Regional Office sa Davao City bilang HR Assistant.
Si Dia Grace, 24 anyos ay taga-Malita, Davao Occidental. Apat na taong gulang pa lamang siya nang maghiwalay ang kanyang mga magulang. Hirap ang kanyang ina na suportahan ang pangangailangan nila, kaya nagdesisyon ito na iwanan siya sa pangan-galaga ng kanyang lola para magtrabaho sa Davao City upang masuportahan siya.
Si Dia Grace naman ay namasukan sa karinderia ng kanyang tiyahin habang nag-aaral ng elementarya hanggang sa maka-graduate ng high school. Dahil determinado sa kanyang pangarap, sinamantala niya ang oportunidad na mag-enroll sa vocational course. “I applied for a scholarship under the Local Government Unit because my cousin works there.” Aniya, kumuha siya ng Computer System Servicing NC ll noong 2013.
Pagka-graduate, nag-OJT siya sa Regional Office ng TESDA Region Xl. Dahil naging maganda ang kanyang performance, pagkatapos ng kanyang OJT, kinuha siya ng management noong Nobyembre 4, 2013. Habang nagtatrabaho sa TESDA Region Xl, itinuloy ni Dia Grace ang kanyang pag-aaral sa kole-hiyo, kumuha ng kursong Bachelor of Science in Business Administration Major in Human Resource Management and Development sa Assumption College of Davao. Siya ang nagtapos nitong April 2019 at nagtatrabaho bilang HR Assistant sa TESDA Xl Regional Office.
Comments are closed.