HILIG talaga ni Niño Moreno ang pagluluto, kaya matagumpay siyang nakakuha ng NC II sa kursong Food and Beverage Services sa Asian Touch sa Marikina noong 2012. Dahil dito, agad siyang nakapagtrabaho sa isang Fine Dining Restaurant kung saan pumasok siya bilang on-the-job trainee.
Mula sa kanyang natanggap na libreng training na siyang nagpalawak sa kanyang kasanayan at sa trabahong kaniyang pinapasukan, muling nag-sanay si Chef Niño sa kursong International Cookery sa Marikina Institute Science Technolo-gy.
Nang dahil sa kaniyang abilidad at pagpupursige, nakapagtayo si Niño ng kanyang sariling negosyo noong May 8, 2016. Ang “Kusina sa Garahe by Chef Niño” na matatagpuan sa Lot 3, Block 2, Rosita Ville Subdivision, Concepcion 1, 1807 Marikina City, ang nagbigay daan sa kanya upang sumikat at makilala sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ang kanyang tagumpay ay naibahagi na niya sa pamamagitan ng pagpapalabas sa kanyang mga Cooking Demo sa mga programa sa national television tulad ng “Swak na Swak” at “Umagang kay Ganda” sa ABS-CBN, at sa iba pang Net-work tulad ng Net 25, UNTV, at PTV4. Si Chef Niño ay kasapi na rin ngayon ng Philippine Chef Society at nakapagtuturo na sa mga estudyante na nangangailangan ng kaalaman sa larangan ng pagluluto.
Malayo man ang kaniyang narating, hindi pa rin kinakalimutan ni Chef Niño ang mga naging tulay niya sa pagkamit ng kanyang tagumpay tulad ng libreng pagsasanay sa TESDA.
“If you have a dream, dream big! ‘Success’, hindi mo makukuha ‘yan by Luck. Magtiwala, kumapit at ‘wag susuko,” payo ng isang proud TESDA scholar na si Chef Niño.
Comments are closed.