TECH-VOC PAIIGTINGIN NG TESDA

TESDA OFFICE

PAIIGTINGIN  pa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang Technical-Vocational Education partikular na sa sektor ng Agrikultura.

Sinabi ni Deputy Director General John Bertiz, nananatiling prayoridad ng TESDA ang agrikultura sa mga programa, proyekto at serbisyo sa panahon ng pandemya.

Kabilang aniya sa mga kursong pinalalakas nila ay ang Organic Agriculture Production NC II (2) at Agricultural Crops Production NC II (2).

Ipinabatid din ni Bertiz na aktibo ang ahensiya sa pagbibigay ng skills training sa rice farmers sa ilalim ng rice extension services program na bahagi ng mandato na nakasaad sa Rice Tariffication Law.

Nagpapatupad rin ang TESDA ng dual-training system sa ilalim ng enterprise-based training kung saan hango sa Germany ang training modality na kombinasyon ng theoretical at practical.