TECHNOLOGY LIFELINES

Sa panahong ito, kung saan ang tibok ng puso ng negosyo ay nakasalalay sa digital aspects, IT support at maintenance ang nagdidikta dahil ito ang lifeline na sumusustine sa makabagong komersyo.

Habang lumalangoy tayo sa masalimoot na mundo ng teknolohiya (salamat na lamang at millennial ako), at pilit inaalam ang mga complex networks and intricate software nito,  madidiskubre nating hindi na pala bagay ang dating traditional IT support methods na ginagamit natin kaya kailangan nang mag-upgrade.

Ito ay para makasigurong nakakasabay tayo sa mga innovative approaches para palaging smooth-sailing at efficient ang takbo ng negosyo.

Malinaw na malinaw. Change is the only constant in the world of information technology. Masyadong fast-paced industry ito, at halos araw-araw, may pagbabago. Mas sophisticated na rin ang cyber threats, at minsan nga, na-scam na pala tayo, hindi pa natin alam.

Bukod diyan, matindi ang  demand sa 24/7 connectivity. Hindi na kasi uso ang walong oras na trabaho — 24/7 na dahil online.

Kaya nga pati IT support and maintenance, 24/7 na rin.

At paano makakasabay ang maliit mong negosyo sa ganito kabilis na pagbabago? Paano mo masisigurong okay pa ang lifelines mo at  responsive pa rin sa mga pangangailangan ng kliyente?

Diyan papasok ang innovative IT support.

Reminder lang, medyo mahal ito pero better sure than sorry.

JAYZL NEBRE