Matatapos na naman ang 2024 at may bago na namang modern technology na nakahandang mag-revolutionize para makatulong sa pang-araw-araw na buhay at sa ating trabaho. Mula sa smartphones, laptops, at computers sa advanced medical equipment, autonomous vehicles, at transportation systems, lahat ng iyan ay ilan lamang sa teknolohiyang pinadadali at ginagawang mas efficient ang ating buhay.
Malamang na ang susunod na technology trend ay 5G! Ito ang fifth generation ng mobile networks. Nangangako ang 5G ng napakabilis na data download and upload speeds, wider coverage, at mas stable na connections. At ngayon nga, ang actual direction sa evolution of technologies sa isang particular area ay haharap na sa makabagong panahon.
Napakabilis ng technology trends at ang top 5 technology trends na sikat na sikat ngayon sa mga developers at enterprises ay Artificial Intelligence (AI) Internet of Things (IoT) at Blockchain.
Hindi rin naman pahuhuli ang Augmented Reality (AR) and Virtual Reality (VR), DevOps and Cloud Computing, Cybersecurity, Data Science and Machine Learning, Edge Computing at Quantum Computing.
Sa tulong ng makabagong teknolohiya, advancements in machine learning and artificial intelligence, robots madali tayong makaaagapay sa makabagong mundo. Dagdag pa sa robotics, inaasahan din ang virtual and augmented reality na maging mas kakabit na ng ating makabagong buhay sa darating na sampung taon. Kaya maghanda na sa pagbabago.
JAYZL VILLAFANIA NEBRE