‘Technology transfer, resiliency innovations’ sa ilalim ng CREATE isinusulong

ISINUSULONG  ni House Ways and Means Committee chair, Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang ‘resiliency-building innovations’ sa listahan ng mga prayoridad na industriya sa ilalim ng bagong batas na ‘Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) para maiwanan na ang mga patay na industriya at lumikha ng mga bago na higit na matatag sa hagupit ng mga pagsubok gaya ng pandemyang Covid-19.

Ayon kay Salceda, pangunahing may-akda ng CREATE Act (RA 11534), dapat itutok ang pansin sa “biotech and agricultural productivity, industry apprenticeships and technology transfer, and resiliency-building innovations in industries aided by research and development.”

Sinabi ng ekonomistang mambabatas na kasalukuyang nakikipagtulungan siya sa Department of Trade and Industry (DTI) sa paglikha ng bagong listahan ng mga prayoridad na industriya sa ilalim ng CREATE Act.

“Gaya ng ibang malalaking pangyayari sa kasaysayan, maraming industriya ang ginawang walang silbi ng Covid-19. Ang susi sa pag-unlad ay hindi ang muling pagbuhay sa wala nang silbing mga industriya, kundi ang paglikha ng mga bago. Kailangan ang bago sa buhay ng ating ekonomiya, kaya kailangan natin ang mga bagong industriya,” madiin niyang paliwanag.

Tiniyak niyang isusulong niya ang ‘innovation’ sa mga industriya ng pagkain, agrikultura, ‘manufacturing,’ teknolohiya sa pananalapi, kalinisan, kalusugan at edukasyon bilang bahagi ng Strategic Investment Priorities Plan o SIPP.”

Matapos lagdaan ni Pangulong Duterte ang CREATE pinasimulan na ng mambabatas at ng DTI at ng ‘Board of Investments (BOI) ang paglikha ng SIPP at kasama ang listahan ng mga sektor na kwalipikado sa mga insentibong laan sa ilalim ng CREATE.

Sa ilalim ng CREATE na nagkabisa nitong Abril 12, inaatasan ang BOI na gawin ang SIPP kung saan malinaw ang kuwalipikadong mga industriya at haba ng panahon ng kanilang pagtanggap ng insentibo. Ipinaliwanag ni Salceda na ang SIPP ay magsisilbing ‘promo brochure’ ng mga ahensiya ng gobyerno sa pag-akit ng mga mamumuhunan sa bansa. “Sadyang dapat matapos ito agad. Kailangang makalikha tayo agad ng mga bagong trabaho at pagkakakitaan,” madiin niyang pahayag.

“Hindi ito ang pinakahuling pandemya. Habang sinisira natin ang mga likas na pinamamahayan ng mga hayop at organismo, magkakaroon ng mga sakit. Matagal pa bago maibalik sa dati ang hinayaan nating pagkasira ng kalikasan, kaya kailangan dapat tayong handa,” dagdag ni Salceda.

Mangangailangan ito ng karagdagang pamumuhunan sa pananaliksik at pagsulong, lalo na sa medisina.

Kahit aniya makalikha tayo ng mga bakuna, magbabagong anyo at bangis din ang mga mirkrobyo.

Hinimok ng mambabatas ang mamumuhunang handang mangapital ng US$1-bilyon sa bansa na kausapin na ang mga akmang ‘investment promotion agency’ at BOI sa lalong madaling panahon.

Bukod sa mga laang insentibo ng CREATE Act, ibababa rin nito ang sa 20% mula 30% ang ‘corporate income tax (CIT)’ para sa mga korporasyong lokal na may taunang kitang P5 milyon o mababa pa na dapat buwisan. Ang bisa nito ay mula noong Hulyo 1, 2020. Ibinaba rin ng bagong batas ang CIT ng iba pang mga korporasyon sa 25% na lamang.

7 thoughts on “‘Technology transfer, resiliency innovations’ sa ilalim ng CREATE isinusulong”

  1. 131449 944334Spot on with this write-up, I genuinely assume this site needs considerably far more consideration. Ill probably be once much more to read far far more, thanks for that info. 272542

  2. 743824 42462Id have to talk to you here. Which isnt something Which i do! I really like to reading a post that should get people to believe. Also, thank you for permitting me to comment! 961539

  3. 374706 772361A domain name is an identification label which defines a realm of administrative autonomy, authority, or control inside the Internet. Domain names are also critica for domain hostingwebsite hosting 24858

Comments are closed.